Garden o beach wedding, bet ni Nadine

February 27, 2019
Nadine Lustre

Napa-“oh, my God!” na lang si Nadine Lustre nang itanong sa kanya sa presscon ng Ulan kung masasabi na ba niya nang diretso na nagli-live-in sila ni James Reid.

Matatandaang naging talk of the town before ang linya ni Nadine na “it’s normal, come on guys, it’s 2017” nang matanong siya noon tungkol sa pagli-live-in nila ni James.

Hindi niya sinagot nang diretso ang tanong noon although siyempre, base sa mga sinabi niya, parang “yes” na rin ang ibig sabihin.

Hindi pa rin masagot ni Nadine ang tanong ngayon. Aniya, na natatawa, “Oh, my God, kayo na po ang bahala diyang sumagot!”

Pero naniniwala ba siya sa marriage? Gusto ba niyang ikasal din someday?

“Kasi, I think, marriage po kasi is ano, eh, parang formality, I guess. Siyempre po, gusto ko rin, meron, pero I think it makes the relationship formal.”

So, kumbaga, para sa kanya, hindi big deal kung may wedding man o wala?

“I’m not rushing, but siyempre, I would want to wed din, kasi it’s different. And I have friends po na ikinasal, sabi nga po nila, iba talaga ’yung feeling ’pag kinakasal ka and ikaw ’yung naka-wedding gown and ikaw ’yung naglalakad sa aisle, so I would wanna feel that also but I’m not rushing.”

Asked kung ano ba ang gusto niyang wedding, if ever, aniya, gusto niya sa garden o sa beach dahil pareho silang mahilig sa nature ni James.

Natanong din kung ano ang mga plano nila ni James.

Ayon kay Nadine, mag-travel pa more.

“Travel, ’yun po talaga ang pinakagusto naming gawin. Enjoy lang po and siguro, be successful in everything. Right now po kasi, music din po ’yung inaatupag niya, du’n po siya nagpu-focus, so gusto lang po naming maging masaya,” she said.