Home>Entertainment>Showbiz>Garrett at Kyryll wagi sa 33rd Awit Awards

Garrett at Kyryll wagi sa 33rd Awit Awards

Garrett Bolden at Kyryll
Garrett Bolden at Kyryll

WAGI ang GMA Music artists na sina Garrett Bolden at Kyryll sa 33rd Awit Awards ceremony na ginanap online noong August 29.

Napanalunan ni Garrett ang People’s Choice Awards for Favorite New Male Artist habang wagi naman si Kyryll ng Best Performance By A New Female Recording Artist para sa “Silent Rumblings.”

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Garrett para sa bagong parangal na natanggap at sa suporta ng mga tao sa paligid niya, “First of all, I’d like to thank God for another Blessing ��🏾��🏾��🏾. Something that I didn’t expect that I’ll get specially during this Pandemic. This is the 2nd time na marecognize ng isang award-giving body in this industry. First is PMPC STAR AWARDS, isang bagay na dati ay pinapanaginipan at pinapangarap ko lang.”

“Oh my gosh! Thank you so much po Awit Awards. Hindi ko po talaga inexpect ito and thank you po so much sa GMA Music. I’m so thankful! Thank you so much po,” pahayag naman ni Kyryll nang marinig niyang inanunsyo ang kanyang pangalan.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal