Home>Entertainment>Showbiz>Gary at Bernadette nag-aaway pero ayaw maghiwalay

Gary at Bernadette nag-aaway pero ayaw maghiwalay

Gary Estrada

AMINADO ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson na maraming bagay ang natutunan nila at ng kanilang tatlong anak na sina Garielle, Garianna at Gianna sa pagkakaroon ng lockdown. Bukod sa bonding nilang mag-anak ay nakapag-isip sila ng mga negosyong papasukin.

Si Gary ay nagsimula sa kanilang construction business na kanyang pinagkakaabalahan ngayon at naisisingit din nito ang pagbisita at pag-supervise sa kanilang farm sa Quezon.

Si Allyson naman ay binalikan ang kanyang tapa online business, ang Tapa Heaven Atbp. na nahinto nang maging busy siya sa kampanya ng kanyang mister, sa kanyang acting career at pag-aalaga sa kanilang tatlong anak ni Gary. Bukod sa tapa business, tumutulong din si Bernadette sa kanilang family business (sa side ng kanyang parents) na nagtayo naman ng one-stop shop business in Taytay, Rizal kung saan meron silang driving school, car insurance service at medical clinic na naka-link sa LTO. Meron ding sariling food cart business ang tatlong Maria ng mag-asawa na ngayon pa lamang ay ini-expose na nila sa pagbi-business.

“Kahit sa mga trabahong bahay, tinuruan ko sila laluna ngayon na wala kaming kasambahay dahil inabutan ng lockdown sa probinsya. Lahat kami, tulung-tulong sa bahay,” pagmamalaki ni Bernadette.

Pero hindi umano ito nangangahulugan na tinalikuran na nila ang kanilang acting career.

“It will always be there,” diin ni Gary. “After all, diyan (showbiz) kami nagsimula at diyan kami nagkakilala ng asawa ko.”

Nung nakaraang June 16 ay nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang 19th wedding anniversary and looking forward sila to more anniversaries in the future.

Hindi rin ikinakaila ng mag-asawa na tulad din sila ng ibang couples na nagkakaroon ng pagtatalo o pag-aaway pero hindi umano nila ito hinahayaang maging dahilan ng kanilang paghihiwalay. There are even times na hindi umano sila nagkikibuan at nag-uusap ng tatlong araw pero mas madalas na si Gary mismo ang nagri-reach out sa kanyang misis and the following day ay okey na sila.

Bukod sa tatlong anak ni Gary kay Bernadette, may isa siyang anak na lalake, his eldest na si Kiko Estrada sa kanyang ex-girfriend actress na si Cheska Diaz, elder sister ng actor na si Joko Diaz. Tanging si Kiko lamang ang pumasok sa showbiz.

Ayon kay Gary, since nagmula siya sa isang broken family, ayaw umano niya itong mangyari sa kanya at kay Bernadette.

Anak ni Ogie kay Michelle nag-debut na wala ang ama

EIGHTEEN years old na ang second daughter ng singer-host comedian na si Ogie Alcasid sa kanyang ex-wife na si Michelle van Eimeren na si Sarah. Pero dahil sa lockdown ay hindi ito na-celebrate ni Sarah na kumpleto ang kanyang pamilya.

Sarah stays with her mom and stepdad na si Mark Murrow in Sydney, Australia habang ang panganay ni Ogie (kay Michelle) na si Leila ay kasama nila ng wife niyang si Regine Velasquez at bunsong anak na si Nate.

Kung hindi lamang sa pandemya, Ogie and Regine with the kids regularly visit Australia at ganundin naman si Michelle, Mark and Sarah sa Pilipinas.

Napakaganda ng relasyon ng mag-asawang Ogie at Regine kina Michelle at Mark gayundin ang kanilang mga anak.

Ogie and Michelle’s wedding was annulled in November 2007. Nagpakasal naman ang singer-composer kay Regine nung December 22, 2010 habang si Michelle naman married her second husband na si Mark nung November 2009 na personal na dinaluhan nina Ogie at Regine. Dumalo rin ang mag-asawang Michelle at Mark sa kasal naman nina Ogie at Regine the following year kasama ang dalawang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.

Angelica umalma sa MTRCB

Paulon Avelino, Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo
Paulon Avelino, Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo

TIYAK na matutuwa ang fans sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo at Paulo Avelino dahil malapit nang matunghayan ang pinagkabago nilang teleserye. Ito’y pinamagatang “Walang Hanggang Paalam” at tuluy-tuloy ang kanilang lock-in taping.

Sina Angelica at Zanjoe ay nagtambal in 2018 sa morning TV series na “Playhouse” habang sina Angelica at Paulo naman ay nagkatrabaho sa pelikulang “The Unmarried Wife” in 2016. First time na magkakasama-sama ang tatlong lead actors sa isang TV series. At kung hindi kami nagkakamali, malamang ito ang ipapalit sa “Love Thy Woman” nina Kim Chiu at Xian Lim na malapit nang magtapos.

Samantala, isa si Angelica sa nagbigay ng pahayag sa kanyang social media account ng pagkondena sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa plano nitong pag-regulate sa mga palabas na streamed by Netflix, iWant TFC at iba pang cable providers.

Nauna na rito ang pagkaka-deny ng kongreso ng bagong prangkisa ng ABS-CBN. Ngayon naman ay ang MTRCB na gusto ring saklawan ang pagpapalabas ng mga streamed movies in various platforms.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)