Gary Valenciano balik sa paghataw!

November 11, 2018
Gary Valenciano

Para kay Gary Valenciano, isang malaking milagro talaga na nalampasan niya ang dalawang mag-kasunod na dagok na dumating sa buhay nila ng kanyang pamilya – ang una ay ang heart bypass operation noong Mayo nitong taon at ang pangalawa ay ang malignant cancer of the liver na na-detect sa kanya the following month, June at naging dahilan para muli siyang opera-han.

After the second surgery, Gary was declared cancer-free na talaga namang isang napakalaking milagro.

Pagkatapos ng operasyon, naging napakabilis din ng recovery ni Mr. Pure Energy. Three months after ay bumalik na ulit siya sa pagkanta and slowly, bumalik na rin ang dati niyang energy kabilang na ang kanyang bagsik sa pagsasayaw na nasak-sihan namin mismo last Friday sa mall tour ng bago niyang album na Awit at Laro held at Cloverleaf Mall.

At the mall tour, Gary performed a medley of his dance hits with Darren Espanto at talaga namang nakakatulala na ganu’n pa rin ang kanyang liksi at energy sa pagsasayaw.  Hindi mo nga iisiping dumaan siya sa dalawang operasyon, not to mention the fact that he’s already 54 at diabetic pa.

Ayon kay Gary, tala-gang niloob siguro ng Panginoon na bigyan pa siya ng panibagong chance para mabuhay at sobrang ipinagpapasalamat niya ito.

Marahil daw ay may misyon pa si Lord na gustong ibigay sa kanya at anuman daw ito ay talagang handa siyang gawin.

“I think, meron pa, meron pa Siyang gustong ma-fulfill, but until that is over, tuloy-tuloy pa rin,” he said nang makatsikahan namin siya last Friday sa Cloverleaf Mall after his performance.

There’s no doubt na si Gary pa rin talaga ang nag-iisang Mr. Pure Energy at kanyang-kanya lang ang titulong ito. Pero aniya, ngayon ay gusto na raw niyang bawasan ang pagi-introduce sa kanya as such.

“Because I think, personally, being called Mr. Pure Energy for over 30 years made me feel invincible. Na ’yung tipong kailangang lumabas ako diyan kahit may sakit ako, kahit mababa o mataas ang sugar ko, na kailangang ipakita ko sa tao na talagang pure energy.

“So, I told my team, ‘bawasan na muna natin ’yan,’ kasi hindi nga ako nagpa-check up ng ilang taon dahil nga pure energy, akala ng lahat na hindi ako maaaring magkasakit, eh, ’yun pala, mas malala pala ’yung nangyari. Hindi lang simple flu or dengue, or what. It was a blocked (heart) and cancer.

“So, it made me realize my vulnerability as a human being. But then, I also realized na at this point in time, kung pumasok ako sa hospital bukas at mayroon silang ibang nahanap, I’m kampante.

“Kasi, parang nandu’n ako sa palad ni Lord, eh. Tapos sabi Niya, ‘ako ang bahala sa ’yo,’” pahayag pa ni Gary.

Ngayon ay mas excited daw siya sa mga bagong mangyayari sa career niya especially next year. But for now ay busy siya sa mall tour ng Awit at Laro hanggang December.

Ang Awit at Laro album ay grand comeback ni Mr. Pure Energy sa recording scene at ito rin ang pinakamalaki niyang recording ever dahil halos  tatlong taon itong binuno.

Ang nasabing album ay naglalaman ng 20 tradisyunal na mga Pilipinong larong pambata at mga folk songs at hindi lang si Gary ang maririnig dito kungdi pati na rin ang iba pa nating artists tulad nina Jona, Yeng Constantino, Janella Salvador, Sam Concepcion, Anne Curtis, Gloc-9, Lea Salonga, TNT Boys, among others.

Ang Awit at Laro ay bahagi rin ng selebrasyon ng ika-35th na taon ni Gary sa industriya, sa bagong buhay na ipinagkaloob sa kanya, at sa ika-70th taon ng UNICEF sa Pilipinas.