Home>Entertainment>Showbiz>Gender ng baby, isinisikreto nina Billy at Coleen

Gender ng baby, isinisikreto nina Billy at Coleen

Coleen Garcia and Billy Crawford

Sa kanilang You Tube vlog na The Crawfords ay nagbigay ng update ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia sa pagbubuntis ng aktres na ngayon ay limang buwan na.

Dahil nga first time ni Coleen magbuntis, bago sa kanila ang lahat ng nangyayari at ang mga development sa pregnancy.

Nakakaaliw ang tanong ni Billy kung bakit ‘pag buntis ang misis, eh, pati silang mga lalaki ay naglilihi.

“Kasi for the 3, 4 days that she was going through that, 2 out of the 3 days or 4 days, ako ‘yung sumusuka, ako ‘yung mga nagki-crave ng mga pagkain na gusto niya,” kwento ni Billy.

Ikinuwento naman ni Coleen ang hirap na dinanas niya sa sixth week ng kanyang pregnancy.

“My sixth week was pretty terrible. I spent the entire week in bed pretty much and I was so nauseous. I kept vomiting and I thought that it was morning sickness until I realized that it was actually my vitamins.

“I think I was getting some kind of allergic reaction to it. Then after that I had to stay home again because bigla ako nagka-spotting.

“After two weeks bed rest, the blood clot was gone. Everything was great kaya lang yung mental state ko really, really suffered during that time. That whole two weeks kasi I wasn’t allowed to do anything but stay in bed. Puwede lang ako bumangon sa kama pag mag-si-CR lang ako.

“I was so depressed. You know the feeling na you feel so icky, so ugly, so gross, and I just felt like a sloth lang talaga. Nakadikit lang ako sa bed. To be in bed for two weeks, not doing anything, with anxiety, really made me feel so depressed,” kwento ni  Coleen.

Pero after naman ng two weeks na bed rest ay naging maayos na ang kanyang pakiramdam.

“So that feeling alone, overcoming that feeling of depression those two weeks, it was already something that I had a hard time with. By God’s grace we got through that period.

“It’s different now kasi iba yung naka-quarantine ka, iba yung naka-bed rest ka. Now I’m just so happy that the baby is healthy, the baby is fine. So everything was fine. Everything was normal,” sey pa ni Coleen.

Sinabi rin ni Coleen na alam na nila ang gender ng kanilang baby pero hindi pa nila ni-reveal.

Publication Source :    People's Tonight