Gender reveal party ng pampitong apo ni bossing Vic tinuloy

March 25, 2020

BAGO ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa pagkalat ng Covid-19 ay nakatakda ang gender reveal party ng mag-asawang Paulina Sotto-Llanes at Jed Llanes nung nakaraang March 14.  Sa halip na kanselahin ang nasabing event ay itinuloy nila ito with only a handful ang mga dumalo.

Baby girl ang pampitong magigng apo ng veteran  singer-composer, TV host-comedian at producer na si Vic Sotto sa kanyang pang-apat na anak na si Paulina Sotto-Llanes (kay Angela Luz).

Excited naman ang ina ni Paulina na si Angela Luz sa kanyang magiging unang apo sa kaisa-isang anak.