Home>Entertainment>Showbiz>Gerald at Julia lumantad din sa wakas

Gerald at Julia lumantad din sa wakas

Gerald Anderson and Julia Barretto
Gerald Anderson and Julia Barretto

ALMOST two years ding naitago nina Gerald Anderson at Julia Barretto ang kanilang relasyon until ito’y aminin ng Kapamilya actor sa King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang online talk show kamakailan lamang.

Noon pa mang 2019 ay alam na ng publiko ang relasyon nina Gerald at Julia na naging very controversial dahil hindi pa noon sarado ang relationship ng actor sa kanyang ex-girlfriend na niya ngayon na si Bea Alonzo. Kahihiwalay lang din noon ni Julia sa kanyang ex-boyfriend at ka-loveteam na si Joshua Garcia. Pero sa kabila ng matinding kontrobersiya na kanilang kinasangkutan, hindi natinag ang relasyon nina Gerald at Julia na lalo lamang tumibay. Pero never na inamin ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon.

For the very first time ay nag-post si Julia sa kanyang IG account ng picture nilang dalawa ni Gerald na hinahalikan siya sa pisngi ng kasintahan na kanyang itinaon sa 32nd birthday ng Kapamilya actor nung nakaraang Linggo, March 7.

Si Gerald ay may sariling beach resort in Zambales kung saan madalas pumunta ang magkasintahan.

Ang first public appearance nina Gerald and Julia ay nangyari mismo sa kaarawan ng Kapamilya actor nung nakaraang Sabado, March 7 sa isang relief operation ng Philippine Coast Guard Auxiliary na ginanap sa Aeta community ng Zambales.

Lyca nakabili na ng sasakyan

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakabili na rin sa wakas ng sariling sasakyan ang kauna-unahang “The Voice Kids (Philippines)” grand winner na si Lyca Gairanod (16) na kailangang-kailangan niya laluna na ngayong nagbabalik-showbiz siya under Viva.

During the time ng lockdown at walang ibang pinagkakakitaan si Lyca ay naitawid niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa tulong ng kanyang YouTube channel na meron nang mahigit 1.2-M subscribers ngayon.

Si Lyca ang tumatayong head of her family dahil pinahinto na niya ang kanyang ama sa pangingisda at ang kanyang ina sa pamumulot ng mga plastic bottles at iba pang basura. She is also supporting her eight other siblings.

Ang ama ng teen singer-actress ang siyang nagmamaneho ngayon sa sasakyan ni Lyca. “At least ngayon ay kasama ko na Papa ko kapag may lakad ako,” pahayag ni Lyca.

Excited siya sa kanyang pagbabalik-showbiz sa tulong ng Viva. “Bukod sa singing and recording, pagtutuunan ko na rin ang acting career ko,” aniya.

Nagpapasalamat si Lyca sa subscribers and viewers sa kanyang YouTube channel dahil malaki ang naitutulong ng mga ito para matulungan at masuportahan niya ang kanyang pamilya.

Pagdating ni Lyca ng 18 ay maa-access na niya ang kanyang trust fund of P2-M, her grand prize money nang siya’y manalo bilang grand champion sa kauna-unahang “The Voice Kids Philippines” in 2014.

Phoemela nanganak na

Phoemela Baranda
Phoemela Baranda

FORTY-year-old model, actress, host and race car driver gave birth to her second daughter who is her first with her present partner, Filipino-Chinese businessman and award-winning professional race car driver Jason Choachuy last Friday, March 5, Baby Illya.

“Thank you for all the prayers & well wishers. Delivery went very smoothly, w’ere safe & healthy. Beyond happy with you by my side@jason _chua. Most of all thank you Lord for a beautiful, healthy baby. I am forever grateful,” post ni Phoem sa kanyang IG account.

Phoem has a 22-year-old daughter, ex-PBB housemate Kim Nicole from a previous relationship. She was 19 years old when she had her first daughter.

Kung familiar ang pangalan ni Jason Choachuy sa showbiz, siya ay ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Rhian Ramos. Ang dalawa ay naging magkasintahan sa loob ng mahigit tatlong taon until their break-up in July 2018.

Sina Phoem at Jason ay pitong taon nang magkakilala but it was only in November 2019 when they started dating at nung November 2020 ay ini-announce ng model-actress-host that she was pregnant with her second baby.

Sina Phoem at Jason ay unang nagkakilala sa car race track in 2014 kung saan sumali ang host-actress sa Formula VI Endurance race sa Clark International Speedway in Pampanga. At that time ay wala pang romantic attraction sa kanilang dalawa.

Empress at Vino ikinasal na

Impress Schuck and  Vino Guingona
Impress Schuck and Vino Guingona

AFTER being engaged last September 28, 2020 at the 5th birthday of their daughter na si Athalia, former Kapamilya actress Empress Schuck and model Vino Guingona exchanged `I Do’s’ last Saturday, March 6, 2021 sa isang garden wedding sa Hillcrest Gardens in Tagaytay.

Empress had her daughter when she was 23. She’s now 28.

Ang husband ng aktres na si Vino ay apo ng dating Vice President na si Teofisto Guingona, Jr. at pamangkin ng dating senador na si Teofisto Guingona III.

Si Empress ay nagsimula bilang commercial model ng isang shampoo commercial when she was 7 at walang taon naman siya nang siya’y magsimula sa kanyang showbiz career sa bakuran ng ABS-CBN.

Ang aktres ay isa na ngayong freelance artist.

Ang mag-asawang Empress at Vino ay mga entrepreneur. They co-own King’s Cup with Vino’s closest friend na si Andrei Lim.

Sampung taong naghiwalay bago nagkabalikan

Meryll Soriano and Joem Bascon
Meryll Soriano and Joem Bascon

IT was last New Year’s day, January 1, 2021 nang unang mag-post sa kanyang IG account ang aktres na si Meryll Soriano sa kanyang first baby sa kanyang nakabalikang boyfriend, ang actor na si Joem Bascon. Baby boy ang kanilang unang supling.

Halos sampung taon din ang nakalipas matapos maghiwalay ang nagkarelasyon noong 2010 na sina Meryll at Joem nang magkasama ang dalawa sa TV series ng ABS-CBN, ang “Betty La Fea” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Muling nagkabalikan ang dalawa nang muli silang magsama sa pelikulang “Culion” in 2019. And in late 2020 ay lumabas na ang kanilang first baby.

Joem was in a long relationship before with actress-vlogger Crisha Uy. Si Meryll naman was previously married sa actor na si Bernard Palanca with whom she has a 13-year-old son na si Elijah Pineda Palanca, ang kauna-unahang apo ng game show host, producer and businessman na si Willie Revilla.

Nakilala na rin ni Willie ang kanyang pangalawang apo sa kanyang panganay na anak na si Meryll kay Bec-Bec Pineda, nakatatandang kapatid ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger