Gerald-Julia issue humupa na

September 02, 2019

HUMUPA na ang mainit na isyu involving Bea Alonzo, Gerald Anderson at Juiia Barretto na nag move on na sa kanilang respective lives at trabaho.

Humarap na sa publiko sina Gerald at Julia sa recent All-Star Games ng Star Magic sa Araneta Coliseum last August 25 at muling nakita si Julia sa recent 16th birthday party ng eldest daughter ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gutierrez Bektas sa Whitespace Manila last Saturday evening na mukhang naka-recover na.

Bukod sa kanyang inang si Marjorie Barretto at elder sister na si Danni Barretto-Panlilio, hindi rin nananahimik lamang ang isa sa mga bida ng “Sanggano, Sanggago’t Sangwapo” na si Dennis Padilla, ama ni Julia na hindi nag-atubiling i-text at kausapin si Gerald tungkol kay Julia.

Bilang ama, inamin ni Dennis na nasaktan din umano siya for his daughter.

Although Gerald has yet to reply to his messages, humupa na rin naman ang isyu at tahimik ngayon ang lahat ng dawit sa kontrobersiya.

Hindi man madalas na nagkikita ang mag-amang Dennis at Julia ay nagkakatawagan at nagti-text-an ang dalawa.