Gerard kinuhang musical director-conductor ng Malaysian Philharmonic Orchestra

December 12, 2018
Gerard Salonga
Gerard Salonga

MASAYANG ibinalita ng nakababatang kapatid ng West End and Broadway star na si Lea Salonga, ang musical director and conductor ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na si Gerard Salonga, na simula sa susunod na buwan, Enero 2019, siya na ang magiging resident conductor ng Malaysian Philharmonic Orchestra (MPO). Gayunman, mananatili umano siyang MD o musical drector ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa Pilipinas.

Si Gerard ang tumatayong arranger and musical director ni Lea.  Tumayo rin siyang arranger and MD sa iba pang OPM artists tulad nina Martin Nievera, Lani Misalucha at marami pang iba.

Si Gerard ay nagtapos ng kanyang Bachelor of Arts degree sa Ateneo de Manila University nung 1994.  Nag-aral din siya ng music theory sa National Artist for Music na si Ryan Cayabyab. Nag-aral din siya sa Berklee College of Music sa Boston, Massachusetts, USA kung saan siya nagtapos na summa cum laude.  Tumanggap din siya ng Berklee’s Contemporary Writing and Production Achievement Award.

Sandaling nagtrabaho si Gerard sa Sony Pictures bilang orchestrator and music copyist pero in 1999 ay nagdesisyon siyang umuwi ng Pilipinas para dito simulan ang kanyang music career.   Sa Pilipinas na rin niya nakilala ang kanyang wife ngayon, ang violinist na si Divina Francisco at meron na silang dalawang anak na isang boy and girl.

Ang estranged parents nina Gerard at Lea Salonga ay sina Ligaya Alcantara Imutan at ang yumaong si G. Feliciano Genuino Salonga.