Giit ni JM, 'di sila nag-aaway ni Barbie kundi mga fans

January 12, 2019
Thumbnail

KUNG naging busy ang taong 2018 para sa singer-actor na si JM de Guzman, magpapatuloy ang kanyang pagiging abala sa taong ito.

After his successful TV comeback sa afternoon TV series na “Araw Gabi” kung saan sila nagtambal for the first time ng kanyang rumored girlfriend na si Barbie Imperial, kasalukuyan namang ginagawa ni JM ang kanyang bagong teleserye, ang “Project Kapalaran"  kung saan niya kasama sina Arci Muñoz, Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Maris Racal at  iba pa.

Sina JM at Arci ay dating schoolmates sa University of the Philippines. Bukod sa bagong TV series ay co-star din ni JM si Arci sa isang rom-com movie na “Last Fool Show”.

Ang isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni JM ay ang nalalapit niyang first major concert sa Music Museum on February 1 which excites him no end.

Samantala, looking forward din si JM sa balik tambalan nila ni Angelica Panganiban bilang follow-up sa hit movie nilang “That Thing Called Tadhana” na dinirek ni Antoinette Jadaone in February 2015.

Pagdating naman sa kanila ni Barbie (Imperial), okey umano sila.  Ang nag-aaway-away umano ay ang fans hindi sila ni Barbie.