Gil Cuerva naka-online date ang isang Pinay mula sa California

June 30, 2020
Gil Cuerva
Gil Cuerva

MASAYA ang actor-model na si Gil Cuerva sa napili niyang maging date sa GMA Artist Center online dating show na ‘E-Date Mo Si Idol.’ Noong June 25, napili ni Gil ang isang Pinay mula sa California na si Yasmin na maka-bonding. Sa kanilang date, napag-usapan nila ang kanilang personal background, life story, at pati na rin ang pagharap sa COVID-19 pandemic.

Ngayong Huwebes (July 2), 8pm, ang Kapuso actress na si Bianca Umali naman ang celebrity searcher na sasalang sa ‘E-Date Mo Si Idol.’ Kung gustong maka-e-date si Bianca, mag-iwan lang ng mensahe sa comments section ng kanyang Instagram post kung bakit ikaw ang karapat-dapat niyang piliin.