Gina Lopez bakit naging emosyonal?

February 17, 2019

NAGING emotional ang dating Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) secretary at host-producer ng award-winning travel show na “D Diaries” na si Ms. Gina Lopez ng ABS-CBN matapos ang contract signing ng kanyang programa with the National Geographic Channel (NAT GEO)  para sa ikatlong season ng programa na magsisimula ngayong March 3 (Sunday) at 10:00 a.m.  na mapapanood din sa ANC, the ABS-CBN News Channel at sa METRO Channel.

Ang partnership contract signing sa pagitan nina Ms. Lopez at ang senior vice-president at general manager ng Fox International Channel na si G. Jude Turcuato ay nangyari nung nakaraang February 15 ng hapon .  Ito ay isang indikasyon na ang environmental travel show na “G Diaries” ay mapapanood na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa ibang plataporma ng NAT GEO  including online and social media.

Sa pamamagitan ng “G Diaries” ay maibabahagi ang kwento ng walong komunidad ng I LOVE Foundation na bibigyan ng technical at financial  na suporta para sa iba’t ibang livelihood projects na siyang magsusulong na maiangat ang kabuhayan ng mga komunidad tulad ng Tublay, Benguet; Bulusan, Sorsogon; Sta. Cruz Island, Zamboanga; Polomonok, South Cotabato; Lake Sebu, South Cotabato; Simunul Island at Bongao, Tawi-Tawi; Upi, Maguindanao at Maramag, Bukidnon.  Ang nasabing mga komunidad ay tutulungang pagyamanin at palawakin ang kanilang respective natural resources at kasama na rito ang  agro-forestry, fishery at ecotourism.

Sayang nga lamang at walang bahid pulitika ang pagkatao ni Ms. Gina kaya hindi ito nagsi-seek ng public office sa kongreso at senado.

Ang kanyang advocacy sa pangangalaga ng kalikasan ay naipagpapatuloy niya sa pamamagitan ng iba’t ibang medium at kasama na rito ang telebisyon.