Gina Lopez... ’di malilimutan ang mga nagawa

August 19, 2019
Gina Lopez

ISANG malungkot na balita ang bumulaga sa buong Pilipinas sa hindi inaasahang maagang pagpanaw ng environmentalist, philanthropist at dating Dept. of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary na si Regina Paz `Gina’ La’O Lopez kahapon, August 19 sa edad na 65.  She could have been 66 sa kanyang kaarawan on December 27.

Si Gina ay pangalawa sa pitong magkakapatid at mga anak ng ABS-CBN Emeritus na  si Eugenio ‘Geny’ Lopez, Jr. ng Iloilo at Conchita La’O ng Manila. Siya’y nag-aral sa Assumption College at sa Newton College of Sacred Heart in Boston (now Boston College) and took her masters degree on Development Management sa Asian Institute of Management (AIM).  Hiwalay sa asawa at may dalawang anak na parehong lalake.

Si Gina ang founder and long-time chairperson ng ABS-CBN Foundation, Inc. (AFI)  at Bantay Bata 163 at naging chairperson sa paglilinis  at rehabilitasyon ng Pasig River at La Mesa watershed at TV host ng “G Diaries”.  Hindi na rin halos mabilang ang napakaraming environmental at humanitarian projects ang  nagawa ni Gina, ang kanyang pagtulong sa iba’t ibang komunidad na maging self-reliant, turismo, ang pagtulong sa mga taong nasasalanta ng iba’t ibang kalamidad, ang mga naabusong mga bata and other remarkable contributions sa bansa. She was the most dedicated, perfect  and qualified DENR Secretary pero hindi inaprubahan ng Commission on Appoinments ang kanyang appointment dahil sa personal business interests ng maraming mambabatas.

At a young age, iniwan ni Gina ang kanyang marangyang pamumuhay para maging isang yoga missionary ng Ananda Marga at naranasan din niya ang mamuhay ng isang maralita nang tumira siya sa India sa loob ng isang taon and 11 years sa Amerika.

Taong 1994 nang bumalik si Gina sa Pilipinas to be with her family.  Sa halip na tumulong siya sa operasyon ng Lopez’ owned group of companies, mas ginusto niyang itatag ang ABS-CBN Foundation at Bantay Bata Foundation at iba pa niyang mga adbokasiya at serbisyo publiko kahit hindi niya pinasok ang larangan ng pulitika.

Pinangatawanan ni Gina ang popular slogan ng ABS-CBN, ang “In the service of the Filipino” up to the very end.  Inalay niya ang kanyang buhay sa pagtulong sa kanyang kapwa lalung-laluna ang mga mahihirap, mga naabusong mga bata at ang ating kalikasan.

Ilan pa kaya ang katulad ni Gina na handang isakripisyo ang marangyang buhay para lamang makapagsilbi sa kanyang kapwa?

Lumisan man si Gina, maiiwan sa puso’t isipan ng mga tao ang mahahalagang aral, tulong  at mga adbokasiya na kanyang ipinaglaban at itinamin for the next generation to appreciate and continue.

Paalam sa  nag-iisang Gina Lopez.  Wala kang katulad and heaven will laud your good deeds.