Gina Lopez nakapanghihinayang

August 25, 2019
Gina Lopez

HINDI namin napigilan ang mapaiyak nang mapanood ko ang special tribute ng ABS-CBN sa yumaong environmentalist at philanthropist na si Gina Lopez last kahapon ng umaga bago ang “ASAP Natin `To”.  It was an inspiring tribute  sa nag-iisang si Gina Lopez who was full of  selfless love for her country, sa environment, sa iba’t ibang community, sa mga tao sa kanyang paligid laluna ang mga nangangailangan.

Bato ang puso mo kapag  hindi ka maantig sa mga papuri sa kanya ng iba’t ibang tao (from all walks of life) that she touched and helped when she was still alive.

Among her six siblings, ang pinaka-bunsong kapatid na si  Ernie Lopez (head ng ABS-CBN Publishing, Inc.) ang most affected sa maagang pagkawala ni Gina na 15 taon napawalay sa kanyang pamilya para mapabilang sa Ananda Marga at naglingkod sa mga mahihirap sa India at Africa.  Nang bumalik sa Pilipinas si Gina, agad niyang itinatag ang ABS-CBN Foundation na kanyang sinundan ng Bantay Bata Foundation at ang kanyang strong advocacy on environment.

Sa kabila ng pagkakaroon ng sakit na kanser ni Gina, hindi siya huminto sa kanyang mga adbokasiya at ang kanyang kanyang paglilingkod sa bayan kahit naging maramot ang ilang mambabatas na siya’y manatili bilang Secretary of Environment and National Resources (DENR) due to vested business interests.

Pero sa kabila nang hindi pagkaka-apruba sa kanya ng Commission on Appointments, nagpatuloy si Gina sa kanyang mga adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan at pagtulong sa kanyang kapwa kahit naging mitsa ito ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Kahit ang ina ni Gina na si Gng. Conchita Lopez at mga kapatid na sina Gabby, Roberta Pilar, Ramon Javier, Maria Rosario, Rafael Kevin at Ernie Lopez ay saludo sa kabayanihang ipinamalas ni Gina.  Ito’y pinatotohanan ng mga taong hindi lamang nakatrabaho ni Gina kundi pati na rin ang maraming tao at mga komunidad na  kanyang natulungan.

Nawala man si Gina, sana’y maipagpatuloy ang kanyang mga sinimulan at nagawa hindi lamang sa larangan ng kalikasan, ang mga batang naaabuso, ang pagtulong sa mga taong nasasalanta ng iba’t ibang kalamidad kundi ang  pagmamahal sa  kapwa laluna ang mga maralita at mga nangangailangan.

Napaka-infectious ng pagiging mabait at masayahing tao ni Gina.

In our hearts, isang tunay na bayani si Gina and her father, Eugenio `Geny’ Moreno Lopez, Jr. must be very proud of her in heaven.

Si Gina ay sumakabilang-buhay nung nakaraang August 19, 2019 sa edad na 65.