Gladys at Christopher role models

February 21, 2020
Christopher Roxas and Gladys Reyes
Christopher Roxas and Gladys Reyes

MAITUTURING na role model ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ng mga married couple  na naging tagumpay ang pagsasama sa kabila na pareho pa silang bata nang ikasal in 2004 after their almost eleven years bilang magkasintahan.

Sina Gladys at Chris ay nabiyayaan ng apat na anak, sina Christophe, Aquisha, Grant at Gavin.

Si Christopher ay half-Filipino and ha2lf-French at ang kanyang tunay na pangalan ay Jean-Christophe Sommereux (pronounced as So-me-ru).

Bukod sa kanilang pagiging actors, ang mag-asawang Chris at Gladys are into food business.  Meron silang restaurant, ang Estela na matatagpuan sa Brickroad ng Sta. Lucia Mall in Cainta, Rizal na pinamamahalaan ngayon ng sister ni Gladys na si Janiz.  At kamakailan lamang ay pormal na ni-launch ng mag-asawa ang kanilang bagong catering business (for all occasions), ang Sommereux na hango a family name ng mag-asawa.  Ito’y ginanap sa Valencia Events Place along Valencia St. in Quezon City (na pag-aari ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde) bilang isa sa kanilang mga suppliers (in terms of venue) last Thursday, February 20.

Unknown to many, si Chris ay nag-aral ng culinary sa International School for Culinary Arts and Hotel Management na matatagpuan sa Katipunan, Quezon City at siya ngayon ang tumatayong executive chef ng Sommereux catering service.

Bago nag-aral ng culinary si Chris ay nagkaroon din siya ng experience sa food business nang siya’y mag-trabaho sa France sa loob ng ilang taon na personal niyang naia-apply ngayon sa kanilang bagong tayong negosyo ng wife niyang si Gladys.