Home>Entertainment>Showbiz>Gladys umiyak nang diumano’y tangayin ng ex ang pera

Gladys umiyak nang diumano’y tangayin ng ex ang pera

Gladys Guevarra

NAGING emotional ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra nang ito’y mag-Facebook Live nung September 2 ng gabi dahil `tinangay’ umano ng kanyang fiancé na nagngangalang Leon Sumagui ang advance payment para sakanyang online kakanin business na pumasok sa personal bank account at GCash ng kanyang fiancé.

Nagkaroon umano ng away ang dalawa na nauwi sa kanilang paghihiwalay nung September 1. Dahil meron nang advance bookings (orders) up to mid this month, nataranta ang singer-comedienne sa kanyang gagawin dahil hindi na niya ngayon ma-monitor ang perang pumasok sa account ni Leon dahil umalis na ito.

“Pumayag ako out of trust, out of good faith dahil nga partner ko siya at karelasyon ko siya,” umiiyak na pahayag ni Gladys.

Hininto muna si Gladys sa kanyang negosyo at gusto niya munang maibalik sa mga customer ang kanilang advance payment dahil ayaw niyang masira sa mga ito.

Dahil sa lockdown, naisipan ni Gladys ang online food business sa pamamagitan ng iba’t ibang kakanin tulad ng puto, palitaw, kalamay at iba pa at maganda naman daw ang takbo nito kung hindi lamang sila nagkaroon ng problema ni Leon.

Sina Gladys at Leon got engaged nung November 2019 at nagsimula naman itong ipakilala sa social media ng una nung January this year.

Ngayong nasira ang online food business ni Gladys, magsisimula na naman sa zero ang singer-comedienne na nagpasikat ng awiting “Sasakyan Kita.”

Pilita isa nang great grandmother

ISA nang great grandmother and Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales dahil may apo na ito sa tuhod sa kanyang grandson na si Kenneth Dabao, anak ng estranged couple na sina Jackie Lou Blanco and Ricky Davao.

Ang dating mag-asawang Jackie Lou at Ricky ay may tatlong anak, sina Kenneth, Rikki Mae at Arabella.

Hindi ikinakaila ng singer-actress at aerobic instructor na si Jackie Lou na sobra niyang ini-enjoy ang pagiging lola sa kanyang kauna-unahang apong si Jacqui Dabao.

Samantala, habang wala pang project dahil sa pandemya, pinagkakaabalahan ni Jackie Lou ang paggawa ng solar lamps which she plans to donate sa mga pamilyang walang ilaw sa kanilanglugar.

Si Pilita ay may dalawang anak, sina Jackie Lou at Ramon Christopher naparehona ring hiwalaysakanilang respective partners. Si Jackie Lou ay matagal nang hiwalay sa ex-husband, ang actor-director na si Ricky Davao.

Publication Source :    People's Tonight
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)