Glaiza nahihirapan sa long distance affair

June 04, 2019

HINDI madali para sa Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro ang mini-maintain na long distance relationship (LDR) with her Irish boyfriend of more than a year na si David Rainey na may apat na beses na ring nakabisita sa Pilipinas at nakilala na ng kanyang pamilya at close friends including her best friend na si Angelica Panganiban.

May trabaho sa Ireland si David habang sa Pilipinas naman ang trabaho ni Glaiza na planong mag-aral sa London ng music crash course na tatagal ng tatlong buwan.

Kung may lovelife ngayon si Glaiza, single at loveless naman ngayon ang kanyang BFF na si Angelica Panganiban matapos na-diskaril ang inaasahang balikan sana nila ng kanyang ex-boyfriend (during her teens) na si Carlo Aquino.

Huling nakarelasyon ni Angelica ang on indefinite leave sa showbiz na si John Lloyd Cruz na may isa nang anak sa karelasyon nito ngayon na si Ellen Adarna, ang almost one-year-old son nilang  si Elias Modesto.