Home>Entertainment>Showbiz>Glaiza sa 2022 pa ang kasal kay David

Glaiza sa 2022 pa ang kasal kay David

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

WALANG planong bumiyahe patungong Ireland ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro nitong nakaraang December 12 pero pinakiusapan siya ng kanyang Irish businessman boyfriend na si David Rainey maging ang pamilya nito. Hindi pa umano sila (David and family) allowed na bumiyahe patungong Pilipinas. May agam-agam man si Glaiza ay lumipad na rin ito. And she’s glad she did dahil bukod sa magkasama sila nung Christmas at sa darating na New Year with his family, may nakahanda na palang proposal sa kanya si David nung Christmas eve, December 24. Nag-breakfast muna ang dalawa at saka lumipat sa isang lugar kung saan tinugtog ang isang kanta na naging daan ng kanilang pagkakakilala sa Siargao in September 2018. At doon nag-propose sa kanya si David.

Glaiza de Castro and David Rainey
Glaiza de Castro and David Rainey

Nagpaalam na pala si David sa parents ng singer-actress sa kanyang planong proposal. Ibinigay din sa kanila ang petsa at oras ng proposal na gagawin ni David. Ibinigay naman ng parents ni Glaiza na sina Boy at Cristy Galura ang kanilang basbas kay David dahil alam na nila ang pagiging seryoso nito sa kanilang anak at pagiging mabait at magalang nito. But the proposal came as a surprise to David’s parents na pinasunod na lamang nila sa isang restaurant (in Ireland) at doon nila ipinaalam na sila’y engaged na.

Although engaged na sina Glaiza at David, they plan to get married in 2022 pa and David might settle in the Philippines. Kapag bumalik na sa normal ang lahat, plano ni David magtayo ng isang coffee shop in Baler, Aurora kung saan may resthouse ang singer-actress.

Nagwu-work ang LDR (long distance relationship) arrangement kina Glaiza and David because they make it work for them.

Si Glaiza ay nakatakdang bumalik ng Pilipinas on January 19, 2021 dahil meron siyang bagong project na sisimulan sa Kapuso network. Kapag allowed na ang mga foreigners pumasok muli ng Pilipinas ay babalik dito si David na naka-bond nang husto ng parents ni Glaiza nang ito’y abutan sa Pilipinas ng lockdown. Nakabalik lamang siya ng Ireland nung nakaraang May 2020.

Samantala, tahimik lamang ang singer-actress pagdating sa kanyang lovelife, but she had a short-lived relationship with actors Patrick Garcia and Felix Roco.

Bong at Lani saksi sa proposal para sa anak

Gianna Revilla (Bautista) and Jed Patricio
Gianna Revilla (Bautista) and fiance Jed Patricio
Gianna Revilla (Bautista) and Jed Patricio
Gianna Revilla (Bautista) and fiance Jed Patricio
Gianna Revilla (Bautista) and Jed Patricio
Gianna Revilla (Bautista) and fiance Jed Patricio

NA-WITNESS ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado ang proposal sa kanilang pang-apat na anak na si Gianna ng fiancé nitong si Jed Patricio na nangyari mismo sa araw ng Pasko, December 25, 2020.

Although si Bryan ang panganay sa mga anak ng mag-asawang Bong at Lani, naunahan pa siyang mag-asawa ng kanyang mga kababatang kapatid na sina Jolo at Inah maging ng kanilang half-brother (sa father side) na si Luigi at susunod na rito ang isa pa niyang younger sister na si Gianna.

Sina Bong and Lani ay may mga grandchildren na from Jolo and Inah na ang eldest ay si Gabriel (15), anak ni Jolo sa dati niyang kasintahang si Grace Adriano (anak ng actress na si Rosanna Roces). May dalawa namang anak ang mag-asawang Inah at Vince del Rosario na sa Davao naka-base. Sina Jolo (vice-governor ng Cavite) at dating beauty queen na si Angelica Alita (who got married sa Newport Beach, California, USA), celebrated their first wedding anniversary nung December 15, 2020.

Sarah nag-celebrate kasama ang mga kaanak

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

POP superstar Sarah Geronimo had a chance to spend Christmas with her relatives sa kanyang mother (Divine Geronimo) side but was also able to celebrate Christmas with her husband na si Matteo Guidicelli and his family.

Mukhang hindi pa siguro ready ang parents ni Sarah na tanggapin silang dalawa ng kanyang husband na si Matteo after the couple’s secret wedding nung February 20, 2020.

Patricia at Rob nag-renew ng wedding vows

Patricia Javier and Doc Rob Walcher with sons Robert and Ryan
Patricia Javier and Doc Rob Walcher with sons Robert and Ryan

CELEBRITY couple Patricia Javier and Doc Rob Walcher renewed their wedding vows on their 15th wedding anniversary last December 27, Sunday na ginanap sa Villa Patricia Javier Event’s Place in Antipolo City. This was attended by their family.

The wedding ceremony was officiated by Patricia’s uncle na si Rev. Pastor Romy Canlapan.

The couple has two sons, Robert (13) and Ryan (9).

Speaking of Patricia and Doc Rob, nagpapatayo na ang couple ng kanilang dream house (also in Antipolo) na inaasahan nilang lipatan next year.

Tama ang naging desisyon ng mag-asawa na mag-relocate ng Pilipinas dahil may apat na silang branches ng kanilang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Clinic na matatagpuan in Quezon City, Makati, Alabang and Cavite. Nasa planning stage na rin ang pagbubukas nila ng iba pang branches sa iba pang lugar.

Misis ni Ray An pumanaw na

MATAPOS ng halos isang buwang pakikipaglaban sa Covid-19, pumanaw na ang dating miyembro ng The New Minstrels na si Sylvia `Mei-Ling’ Gozun-Fuentes, maybahay ng isa pang miyembro ng grupo, ang singer-dancer-turned preacher na si Ray-An Fuentes.

Si Mei-Ling ay sumakabilang-buhay nung nakaraang linggo, December 27 sa ganap na ika4:15 ng hapon sa isang pagamutan ng Vancouver, Canada kung saan naka-base ang mag-asawa at ang kanilang tatlong anak na sina Miguel, Julio at Daniella for over three decades now.

Ang buong pamilya ni Ray-An ay kinapitan ng Covid-19 pero sina Mei-Ling at Ray-An lamang ang na-confine sa pagamutan. Three days lamang namalagi si Ray-An sa ICU habang si Mei-Ling ang pinaka-malala hanggang sa tuluyan itong bumigay.

“MY SWEETIE HAS GONE HOME FOR GOOD AT 4:15 P.M.,” bahagi ng post ni Ray-An sa kanyang Facebook account.

Mei-Ling was 68.

Iba pang pumanaw ngayong 2020

IT was on April 17, 2020 nang sumakabilang-buhay ang ating kasamahan sa panulat, ang dating entertainment editor-columnist na si KC Guerrero dahil sa sakit sa puso na sinundan naman ng isa pang kasamahan sa trabaho na si Alex Datu nung April 21. Nung April 20, 2020, ay pumanaw din ang dating senador na si Heherson `Sonny’ Alvarez dahil sa Covid-19. He was 80 years old.

Nung April 27 ay sumakabilang-buhay ang dating Dept. of Tourism Secretary na si Ramon `Mon’ Jimenez at age 64. Siya ang creator ng popular DOT slogan na “It’s more fun in the Philippines”.

Nung April 29, 2020 ay pumanaw ang indie writer-director na si Glen Anthony `Ga’ Villafuerte sa edad na 42 at itinuturong Covid-19 ang sanhi ng kanyang kamatayan. Kinabukasan ay sumakabilang-buhay naman ang dating head ng Corporate Communication ng ABS-CBN at professor sa University of Santo Tomas Faculty of Arts and Letters na si Bong Osorio.

Personal

HAPPY birthday today, December 30 to a dear friend and colleague, Ronald Constantino.

Subscribe, share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow my Instragram and Facecebook:@asteramoyo and Twitter: @aster_amoyo

 

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger