GMA nagbabalik sa paggawa ng pelikula

March 06, 2019

SA pagbabalik ng GMA Films sa pagpu-produce ng pelikula, hindi na GMA Films kundi GMA Pictures na ang kanilang gagamitin.

First project ng GMA Pictures and launching movie ng stand-up comedian turned-TV personality na si Super Tekla (Romeo Librada in real life)na “Kambal Karnabal” (tentative title) na may working title na “Kiko at Lala” na pinamamahalaan ni Adolf Alix, Jr. Ang isa pang proyekto ng GMA Pictures ay ang “Family History” na pangungunahan ni Dawn Zulueta at magiging directorial movie debut ng singer-composer-comedian and celebrity endorser na si Michael V. (Beethoven Michael del Valle Bunagan in real life).

Ang “Family History” ay iku-co-produce ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

Si Dawn ay huling napanood sa isang TV series ng GMA in 2006, ang “Now and Forever”.    She was also part of “Encantadia” in 2005.

Sa pagiging active muli ng GMA Pictures, kumuha rin kaya sila ng mga talents ng Star Magic ng ABS-CBN tulad ng ginagawa ng Star Cinema (film arm ng Kapamilya Network) na kumuha rin ng actors from GMA tulad nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Marian Rivera at iba pa?

Dapat maging open ang GMA Pictures na kumuha ng talents mula sa Star Magic para hindi lamang sila naka-concentrate sa in-house talents ng GMA Artists Center.

Dahil sa pagiging active muli ng GMA Pictures, hindi lamang mga artista ang natuwa kundi pati na rin ang mga production people dahil nangangahulugan ito ng dagdag na trabaho sa kanila.