GMA nirerespeto ang ABS-CBN

March 10, 2020

WALANG anumang negatibong pahayag ang GMA 7 sa franchise issue na kinasasangkutan ng ABS-CBN, isang patunay ng pagpapakita ng respeto ng Kapuso Network sa kanilang rival network.

Nilinaw lang ng GMA 7 management na hindi sila nagkaroon ng problema sa franchise renewal dahil bago pa sumapit ang expiration date, pinirmahan na ni President Rodrigo Duterte ang extension ng kanilang franchise na 25 years ang bisa kaya malinaw na fake news na  patuloy ang operasyon ng Kapuso Network, kahit expired na ang franchise nila.

Noong nakaraang buwan pa nga, binigyan ng malisya ang red, blue and green colors ng mga  damit na suot nina Atom Araullo, Pia Arcangel at Vicky Morales sa live broadcast ng 24 Oras dahil pinagbintangan sila na nakikisimpatiya sa franchise renewal problem ng ABS-CBN.

Pula, berde at asul ang kulay ng logo ng ABS-CBN kaya umiral ang fertile imagination ng mga sumubaybay sa isyu pero kung nagsuri sila na mabuti, makikita nila na pula, berde at asul din ang kulay ng logo ng Kapuso Network.