GMA sumagot sa issue ng medical team

June 12, 2019

MARAMING bashers ng GMA ang pumupuna sa diumano'y kawalan ng medical team sa set ng bagong action series na Rosang Agimat noong Sabado kung kailan naaksidente ang veteran actor na si Eddie Garcia.

Naglabas na ng pahayag tungkol dito ang GMA. Ayon sa GMA, practice nila na mayroong medical personnel at maging ambulansya na on standby tuwing may big action scenes ang kinukunan. Iniimbestigahan na rin daw nila kung bakit walang medical team sa taping nila noong Sabado.

Ngayon ngang nagsalita na ang network tungkol sa issue, malinaw na hindi sila nagbubulag-bulagan at talagang inaalam nila kung ano nga ba ang nangyari noong Sabado. Nguni't ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay ang patuloy pa rin nating ipagdasal ang pagbuti ng kalagayan ni Manoy Eddie na nasa ICU ng Makati Medical Center.