Home>Entertainment>Showbiz>Golden may ka-LDR na taga-US

Golden may ka-LDR na taga-US

Golden Canedo and Martin Raval
Golden Canedo and Martin Raval

ALAM ba ninyo na bago naging kauna-unahang grand winner ng “The Clash” music competition ng GMA si Golden Canedo in 2018 ay naging contender siya ng “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN in 2017? Hindi pinalad si Golden sa TNT ay siya naman ang tinanghal na first grand winner ng original concept na singing competition ng GMA, ang “The Clash” when she was only 16 years old.

In an interview kay Golden ni Nelson Canlas ng “24 Oras,” inamin ng singer na meron na umano siyang boyfriend ngayon at isang taon na sila ng non-showbiz guy na nagngangalang Martin Raval na nag-aaral sa Amerika.

Kahit LDR (long distance relationship) ang set-up nila ni Martin, wala naman daw problema dahil regular naman silang nagbi-video call.

Although bago pa lamang ang kanilang relasyon, malinaw umano sa kanilang dalawa ang kanilang mga plano para sa kanilang future.

First boyfriend ni Golden si Martin at pareho umano silang na-love at first sight when they first met. Suportado rin umano ng kanilang respective parents ang kanilang relasyon.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)