Golden nabago na ang buhay

June 26, 2019

MAY pagka-Cinderella ang kuwento ng buhay ng kauna-unahang grand champion ng singing reality show ng GMA, ang “The Clash,” ang 17-year-old na si Golden Canedo from Cebu na na-feature nung isang taon sa “Magpakailanman” ni Mel Tiangco at acting debut naman ni Golden who acted herself sa nasabing weekly drama anthology.

Roma Mae Apa-ap Canedo in real life, Golden started joining amateur singing competitions in Cebu at age 12 hanggang makarating siya sa audition in Cebu for “The Clash,” ang original reality singing competition ng Kapuso network hosted by Asia’s Songbird Regine Velasquez before her transfer to Kapamilya network.

Meant-to-be talaga ang pagkakapanalo ni Golden as the first-ever grand champion ng “The Clash” dahil kamuntik siya noon hindi umabot sa audition ng nasabing singing competition na ginanap sa isang mall in Cebu.  Pinakiusapan lamang ng mama ni Golden na si Maricel ang mga namamahala ng audition para siya’y i-accommodate for audition not knowing na siya ang tatanghaling kauna-unahang kampeon ng “The Clash” last October 7, 2018 at age 16.

Golden bested 61 other singing hopefuls ng “The Clash” kung saan tumayong judges and mentors sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai de las Alas.

Biglang nabago ang buhay ni Golden at ng kanyang pamilya nang maiuwi niya ang premyong  P1-M  cash, isang brand new car, house and lot and an exclusive management contract with GMA Artists Center at sa GMA Music for her recording.  Dito na rin sa Maynila naka-base ang kanyang pamilya from Cebu kung saan ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral.  Mainstay na rin siya sa “Studio 7” musical variety show ng GMA and welcomes acting to add to her singing talent.

Golden could be another Regine Velasquez or Sarah Geronimo kung ito’y maalagaan lamang nang husto.  She has the talent and the looks ng isang star material.