Goodbye, Eddie Garcia

June 21, 2019

TULUYAN nang nagsara ang telon sa 90-year-old legendary actor-director na si Eddie `Manoy’ Garcia  nung nakaraang Huwebes (June 20), 4:55 p.m. sa Makati Medical Center kung saan siya inilipat galing Mary Johnston Hospital ng Tondo, Manila matapos maaksidente nung June 8 (Saturday)  sa taping ng action-drama series ng GMA, ang “Rosang Agimat”na pinamamahalaan ni Toto Natividad.

Ang humble,  well-loved, well-respected and most award-winning personality bilang actor at director ay aktibo pa rin sa kanyang acting career up to the very end.

Si Eddie lamang ang kaisa-isang movie personality na ginawaran ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) ng tatlong Hall of Fame awards para sa magkakaibang kategorya – bilang Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.

He received 34 nominations mula sa FAMAS  -  10  Best Actor, 13 Best Supporting Actor and 11  for Best Director winning 22 of them – 5 Best Actor, 6 Best Supporting Actor and 5 Best Director labas pa rito ang tatlong Hall of Fame Awards, Lifetime Achievement Award at Fernando Poe, Jr. Memorial Award.

Eddie won his first FAMAS award in 1957 and his last FAMAS in 2003 nang tanggapin niya ang kanyang Hall of Fame Award as Best Actor.  Ang nasabing mga parangal ay labas pa sa mga award na nakuha niya sa iba’t ibang award-giving bodies para rin sa tatlong magkakaibang kategorya – bilang Best Actor, Best Supporting Actor at Best Director.

The movie icon received three Luna Awards from the Film Academy of the Philippines as Best Director for “Magdusa Ka” in 1986, “Saan Nagtatago ang Pag-ibig” in 1987 and “Abakada Ina” in 2001.  Ginawaran din siyang Best Actor for the movie “Death Row” in 2000 na siya ring nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang Gawad Urian award.  Nanalo rin siyang Best Director sa 1989 Metro Manila Film Festival awards night para sa pelikulang “Imortal” at Best Actor in 2002 for the movie “Mano Po”.  In 2006, tinanggap ni Eddie ang Natatanging Gawad Urian award mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino.  Taong 1998 naman niya nakuha ang Lifetime Achievement Award mula sa Film Academy of the Philippines.

Ang Dolphy Lifetime Achievement Award bilang Ulirang Alagad ng Sining ay tinanggap niya nung 2013 mula sa Entertertainment Press Society’s Golden Screen TV Awards.

It was on December 15, 2012 nang tanggapin ni Eddie ang kanyang kauna-unahang international Best Actor trophy para sa pelikulang “Bwakaw” mula sa ika-55th Asia Pacific Film Festival.  Siya bale ang kauna-unahang Filipino actor to receive the award.

Taong 2002 nang tanggapin ni Eddie ang kanyang Best Actor award in a TV series mula sa Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club.

Si Eddie ang kaisa-isang actor na naging bahagi ng industriya sa loob ng pitong dekada nang tuluy-tuloy na kanyang sinumulan in 1949 sa pamamagitan ng pelikulang “Siete Infantes de Lara”.   Ang huli niyang pelikula ay ang award-winning movie na “Rainbow’s Sunset” na naging  entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na dinirek ng award-winning director na si Joel Lamangan at kung saan niya nakabituin sina Gloria Romero at Tony Mabesa.

Last TV series naman niya ang top-rating and long-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin at kung saan siya gumanap as one of the lead villains.  Isa si Eddie sa mga paboritong actor at katrabaho ni Coco.  Nagsisimula pa lamang siya sa taping ng kanyang bagong TV project sa GMA, ang action-drama series na “Rosang Agimat” nang mangyari ang hindi inaasahang aksidente na siyang naging sanhi ng kanyang kamatayan.

LIFE, LOVE AND FAMILY

EDDIE Garcia is well-remembered dahil sa sobra nitong kabaitan, pagiging humble at professional bukod