Home>Entertainment>Showbiz>Gov. Daniel nagpositibo sa COVID-19

Gov. Daniel nagpositibo sa COVID-19

HABANG on his way to full recovery na ang actor at senador na si Bong Revilla dahil sa Covid-19 at pneumonia, positibo naman sa virus ang actor at gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando na kanyang inamin nung nakaraang Biyernes, August 28.

Positive symptomatic si Daniel na naka-self quarantine ngayon sa kanyang official residence in Bulacan. Ito’y tatagal ng dalawang linggo. Pero sa kabila ng kanyang two-week quarantine period ay hindi umano siya hihinto sa kanyang trabaho bilang gobernador sa tulong ng kanyang mobile phone at laptop kung saan bukas ang kanyang komunikasyon sa kanyang mga nasasakupan.

Nanawagan din ang actor-politician sa kanyang mga kababayan at sa publiko na ipagpatuloy ang pagsusuot ng mga face masks, face shields, social distancing, ang palagiang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol para maiwasan ang mahawa sa virus.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger