Greatest radio drama actor, pumanaw na

March 20, 2019
Augusto Victa
Augusto Victa

PUMANAW na ang radio icon-turned-TV and movie actor na si Augusto Victa sa edad na 87 nung March 18, 2019 sa ganap na alas-9:17 ng umaga.  He died of multiple complications sanhi ng pneumonia, COPD and urinary infection. Nagka-hemorrhagic stroke siya noong 2009 which he survived.  Matapos maka-recover at ma-physical therapy, aksidente naman siyang natumba at nabalian ng pelvic bone nung September 2013.  Dito na siya unti-unting humina at kailangan na niyang naka-wheelchair.

Si Augusto ay  nagsimula sa pagiging radio drama actor at voice over announcer at an early age at ang kanyang boses ay minahal ng mga radio listener na mahilig makinig noon sa mga radio drama programs.  He was considered “the most beloved voice of Philippine radio” and the “country’s greatest radio drama actor”.  He was awarded the “Greatest Radio Drama Actor of All Time” by DZRH on their 75th anniversary.

Bukod sa pagiging radio dramatic actor, si Augusto ay naging actor din sa telebisyon at pelikula.  Napasama siya sa TV series na  hit TV series na “Anna Liza” from 1980 to 1985 at nakagawa rin siya ng ilang pelikula tulad ng “Relasyon” in 1982, “Missing In Action,” “Manalo Matalo Mahal Kita” at  “Bulaklak sa City Jail” in 1984, “Heatreeker” at “Eskapo” in 1995 at iba pang teleserye.

Ang US-based son ni Augusto na si Valen Victa ay darating ngayong Biyernes (March 22) para asikasuhin ang lahat. Walo silang tunay na magkakapatid at isang half-sibling (sa father side) na iniwan ng kanilang ama. Dalawa ang nasa Amerika at anim naman ang nasa Australia.

Naunang pumanaw ang misis ni Augusto na si Connie Victa in 1991 sa edad na 54.

Ang mga labi  ni Augusto ay nakatakdang i-cremate sa darating na Sabado, March 23 sa ganap na ika-10 ng umaga.  A “Celebration of Life” ceremony will be held at Loyola Memorial Chapels in Sucat, Parañaque on March 24 at 5 p.m. kaya inaanyayahan ang kanilang mga kaanak, mga kaibigan, mga kakilala  at naging  mga kasamahan sa trabaho ng yumao na dumalo sa araw na ’yon.

“It’s been very difficult arranging things via remote.  But Loyola has already picked up his remains,” ayon sa Messenger text message ni Val sa kaibigan niyang actress na si Irene Celebre.