Gretchen at Claudine nag-usap, nagkabati na

February 18, 2019
Gretchen Barretto & Claudine Barretto

AFTER years of not talking to each other, winakasan na rin ng estranged sisters na sina Gretchen Barretto at Claudine Barretto ang kanilang feud. Nakita ang dalawa na magkasamang nagdi-dinner sa Solaire Resort & Casino kamakailan lamang.

Years ago ay naging matindi ang away ng magkapatid kung saan pati mga magulang nilang sina Miguel at Inday Barretto  at iba pang mga kapatid ay nadamay.

Si Gretchen ay panlima sa pitong magkakapatid at bunso naman si Claudine.  Ang iba pang mga kapatid ng dalawa ay sina Mito, Mitch, Jay-Jay, Gia at Marjorie.  Tatlo sa mga ito ang pumasok sa showbiz, sina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Si Gretchen ay may kaisa-isang anak na babae, ang 24-year-old na si Dominique Cojuangco sa kanyang partner of 25 years, ang business tycoon na si Tonyboy  Cojuangco, second cousin ng kaaway ngayon ni Gretchen na si Kris Cojuangco Aquino.

Hindi na siguro kailangan balikan pa ang sanhi ng away nina Gretchen at Claudine.  Ang mahalaga ay magkaayos na sila ngayon at sana’y maging simula na rin ng pag-reach out ni Gretchen sa iba pang miyembro ng pamilya.

Sa bandang huli ay sila-sila pa rin ang magiging magkakampi.