Gretchen ’di nadalaw ang ama bago namatay

October 17, 2019
Gretchen Barretto

MAGKASUNOD na sumakabilang-buhay ang respective patriarchs ng mga Barretto na si Miguel Barretto at ama ni Michael V. na si Cesar Felix Bunagan.  

Binawian ng buhay ang ama ng “Bubble Gang” lead star and creative director, singer-rapper, director-producer na si Michael V. (Beethoven Michael del Valle Bunagan in real life) nung nakaraang Lunes, October 14 habang ang ama ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, Claudine and four other siblings ay namayapa nung Martes, October 15.

Nakapagdiwang pa ng kanyang ika-82nd birthday si G. Barretto nung nakaraang September 29 hosted by daughter Marjorie sa bahay nito nang ito’y isugod sa pagamutan. Pero nag-deteriorate ang kalusugan nito until his death last Tuesday.  Habang nasa pagamutan si G. Barretto ay hindi ito nadalaw ng isa sa kanyang mga anak na si Gretchen who has been estranged from his parents and the rest of the family members may ilang taon na rin ang nakararaan.