Gretchen lumipad pa-US para umiwas sa gulo

October 23, 2019
Gretchen Barretto
Gretchen Barretto

AMID the  Barretto family controversy, lumipad patungong San Francisco, California, USA ang controversial singer-actress na si Gretchen Barretto  kung saan naroon ngayon ang kanyang kaisa-isang anak  na si Dominique Cojuangco sa kanyang longtime partner, ang business tycoon na si Antonio `Tonyboy’ Cojuangco.  Gusto ni Dominique na malayo sa matinding kontrobersiya ang kanyang ina.  But with the presence ng social media, puwede ba niyang mapigilan ang kanyang ina na hindi rumesbak  sa mga banat sa kanya ng kanyang mga kadugo?

At sa gitna  ng Barretto brouhaha, nanatiling tikom ang bibig ng mag-ama ni Gretchen na sina Tonyboy at Dominique.  In fairness sa mag-ama, never silang nakisali sa giyera ng Barretto sisters.

Si Gretchen ay sinamahan sa SFO ng kanyang longtime friend na si Ana Abiera, dating miyembro ng now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment”-turned entrepreneur.

In the meantime, hindi magkakaroon ng katahimikan ang kaluluwa ng  Barretto patriarch na si Miguel Alvir Barretto sa kanyang kinaroroonan ngayon dahil sa gulo ng kanyang pamilya na lalo pang lumala.  It was the fervent dying wish ng matandang Barretto sa sana’y magkasundu-sundo na ang kanyang warring daughters.