Gretchen at mga kapatid lalong lumala ang away

October 19, 2019
Gretchen Barretto & Marjorie Barretto

NGAYONG umaga umano ang cremation ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto na sumakabilang-buhay nung nakaraang Martes, October 15.  Pero ang inaasahang pagkakabati ng magkakapatidna Barretto (pito silang lahat) laluna sina Gretchen, Marjorie at Claudine ay hindi nangyari at sa halip ay nagkaroon pa ng gulo sa wake mismo ng kanilang ama.  Ito’y personal na nasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, and Presidential spokesperson na si Atty. Sal Panelo, ang Presidential security maging ng ibang bisita sa burol.

Sinubukan pa umano ni Pres. Duterte na pag-ayusin sina Gretchen at Marjorie pero hindi umano pumayag ang ina ni Julia Barretto at nagka-nervous breakdown umano ito bagay na ikinagulat ng Pangulo at mga kasama nito,  at ng iba pang miyembro ng pamilya Barretto at maging ng ibang bisita sa burol.

The next day, sina Marjorie at Claudine naman ang nag-away dahil ayaw umano papasukin ni Marjorie si Claudine sa burol ng kanilang ama. Ito umano ang naging daan ng pisikal na away ng magkapatid na naging dahilan kung bakit naisugod sa pagamutan si Claudine dahil nahilo umano at may mga kamot sakanyang mga kamay.

Sa totoo lang, napakahirap ito sa parte ng kanilang ina na si Inday Barretto dahil sa halip na magkaisa ang kanyang mga anak sa burol ng kanyang namayapang mister ay lalo lamang nagkagulo at lumala ang away ng mga anak.

Dahil sa insidente, mas lalo pang lumalim ang gap ng magkakapatid na Gretchen at Claudine against Marjorie at panahon na lamang siguro ang magsasabi kung may chance pang magkabati-bati ang magkakapatid.