Gretchen natanggap sa Harvard, tsismis sa kanila ni Mayor Vico imbento lang

January 14, 2020

MASAYA ang  dating Ateneo Lady Eagles volleyball star-turned-TV host na si Gretchen Ho dahil natanggap siya sa Harvard Business School in Cambridge, Massachusetts para sa isang short  business course na kanyang kukunin na may kinalaman sa entertainment, media at sports.   Mangyayari ito sa buwan ng June this year kaya hihingi siya ng leave of absence sa “Umagang Kay Ganda” kung saan siya tumatayo as segment host ng programa.

Still on Gretchen, magmula nang sila’y magkahiwalay ng kanyang ex-boyfriend, ang ex-PBB housemate-turned-TV host ng Kapamilya Network na si Robi Domingo na meron nang ibang girlfriend ngayon ay wala pang ibang nali-link sa athlete-turned-host.  Kuryente naman ang napabalitang pagkaka-link kina Gretchen at sa batang mayor ng Pasig na si Vico Sotto na anak ng veteran singer-TV host-comedian at producer na si Vic Sotto sa  veteran actress na si Coney Reyes. Nagkataong nagkatabi lang silang nanood ng isang game ng SEA Games in Pasig na teritoryo ni Mayor Vico at kung anu-ano nang lumabas sa kanila sa social media na puro imbento lang.