Guest big stars makatutulong ba sa pelikula ni Sarah?

October 18, 2019

SOLO flight sa pagpu-promote para sa kanyang movie itong si Sarah Geronimo.

Palabas na ang "Unforgetable" sa mga sinehan ngayong October 23. Kaya kaliwa't kanan ang guesting at mall tour ni Sarah para sa promo nito. Wala kasi siyang leading man dito. Nakakapanibago ito lalo't mas tumatak siya bilang si LaidaMagtalas sa mga rom-com movie nila ni John Lloyd Cruz. And all these Sarah-Lloydie movies were blockbusters.

Ngayon, isang aso naman ang kasama niya sa bagong pelikula. Milo, the dog, plays a pivotal role and shares billing with Sarah in the movie. Kaya first time para sa aktres ang ganitong temang pelikula. Huling movie niya ay ang  "Miss Granny" na kung saan nakasama niya si James Reid.

"Unforgettable" is directed by Jun Lana and Perci Intalan for Idea First and Viva Films. Both are award-winning filmakers. But admit it or not, they are not widely-known to be blockbuster and commercial directors. Kaya tanong ng isa kong kaibigan: kikita kaya ito sa takilya gaya ng mga kumitang pelikula niSarah?

Makakatulong kaya ang special appearances nina Anne Curtis, Regine Velasquez at ilan pang big stars sa pelikula ni Sarah? Just asking...

Disclaimer:

For reactions, call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com.