Gwen nagkaroon ng bagong boyfriend matapos ang engagement

December 02, 2018
David Semerad & Gewn Zamora

ANG alam ng marami ay nagplano na ang dating engaged couple na sina Gwen Zamora at Jeremy Marquez (panganay na anak ni Joey Marquez)ng kanilang wedding in December 2016 pero hindi ito natuloy. Pero nanatili pa rin ang relasyon ng dalawa until this November nang mabigla ang lahat na hiwalay na pala ang dalawa. At may iba nang nobyo ang actress ngayon  sa katauhan ng Australian-born  Filipino-Czech PBA player na si David Semerad, twin brother ni Anthony Paul Semerad na isa ring PBA player.

Biglang naglabasan ang sweet photos ng bagong magkasintahang Gwen (28) at David (27) sa social media, isang indikasyon na bago pa lamang ang kanilang relasyon.

Apat na taon din ang itinagal ng relasyon nina Gwen at Jeremy who even got engaged in 2015.

Bago si Jeremy ay naging kasintahan din ng Fil-French actress na si Gwen ang stepson ni Tacloban Mayor Cristina `Kring-Kring’ Romualdez na si Raymond Romualdez. Nang magkahiwalay ang dalawa ay saka pumasok sa buhay ni Gwen si Jeremy na kandidato ngayon sa pagka-vice mayor ng Parañaque sa darating na mid-term elections in May 2019.

Si Gwen ay huling napanood sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinagbidahan ni Paulo Avelino under TBA Studios.