Hans Sy suportado si mother Ricky sa advocacy

December 07, 2019

ANG Chinese-Filipino business billionaire na si Hans Sy at actress na si Angel Locsin ang dalawang Filipino na pumasok sa listahan ng 30 Heroes of Philanthropy ng Forbes Magazine Asia sa recent issue nito.

Si Hans Sy ay pang-apat sa anim  na anak ng yumaong business tycoon na si Henry Sy, Jr. of SM Investments.  Ang iba pa niyang mga kapatid ay sina Tessie, Elizabeth, Henry Jr., Harley at Herbert.

Si Hans ay bumabang pangulo ng SM Holdings kung saan siya nananatiling director habang nananatili siyang chairman ng China Banking Corporation at National University.

Si Hans din ang provide ng isang seven-storey building ng Childhaus in F. Agoncillo, Manila at maging ng isang malaking bahay in Quezon City and soon in Cebu na pet project ng beauty czar, TV host at philanthropist na si Mader Ricky Reyes na napasama na rin noon sa listahan ng mga Heroes of Philantrophy ng Forbes Magazine – Asia.

Ang Childhaus ay temporary shelder ng mga batang may sakit na kanser kasama ang kanilang parent or guardian na nagpapagamot sa iba’t ibang government hospitals laluna sa Philippine General Hospital.

Si Hans ang nag-bring up ng idea kay Mather Ricky na gawing productive ang mga magulang ng mga batang may sakit sa pamamagitan ng isang livelihood project na sila (parents) ang makikinabang para magkaroon sila ng extra income habang nagpapagamot ang kanilang mga anak na may sakit.  At dito nabuo ang “Share Love! In CHILDHAUS Christmas Bazaar”  which was formally launched last Friday ng 11 a.m. sa SM North EDSA (main building) malapit sa Cinema 11 na pinangunahan ni Mader Ricky at  dinaluhan ng singer-actress-TV host at isa sa mga patrons ng Childhaus na si Karylle maging ng successful businesswoman na si Flor Santos, ina ng young  singer-actor na si LA Santos at maraming iba pa.

Naka-display ngayon and for sale ang naggagandahang handicrafts na gawa ng mga magulang ng mga batang cancer patients tulad ng mga Christmas decors, native bags, shoes, sandals, angels, key chains, fashionable earrings, abaca bag organizers, paintings at iba pa.  Sa simula pa lamang ay marami agad ang nabiling items.

“The true spirit of Christmas is all about compassion and generosity. By setting up a selling exhibit at one of our malls, we hope that we can provide a platform where our shoppers can help children and families at Childhaus Centers who are in need,” pahayag ng SM Supermalls COO na si G. Steven Tan.

Bahagi ng proceeds ng bazaar ay mapupunta  rin sa Childhaus.