'Happy news'

December 28, 2018

PERO kung may malulungkot na mga pangyayari at balita sa showbiz nitong 2018, marami ring masasayang pangyayari. Bago tumulak patungong U.K. ang  Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos para sa “Miss Saigon” tour in U.K. ay nag-propose sa kanya ang kasintahan niyang TV journalist at dating GMA news reporter na si Mark Zambrano nung March 7.  The tour will last for a year kaya malamang na sa 2019 na magpakasal ang dalawa.

Nung Octobr 29 ay isinilang ng TV host na si Bianca Gonzalez-Intal and second daughter nila ng cager niyang husband na si JC Intal na pinangalanan nilang Carmen Eliana Gonzalez-Intal.  Ang kanilang eldest daughter na si Lucia ay three years old na.

Isinilang naman nung November 26 ang second baby ng mag-asawang  John Prats at Isabel Oli na si Daniel Freedom. Babae ang kanilang panganay na anak, si Lily Feather.  Before Christmas ay ibinalita naman ng nakababatang kapatid ni John na si Camille Prats-Yambao na muli itong nagdadalang-tao sa kanyang pangatlong child, her second with second husband na si John ‘VJ’ Yambao. Ang panganay na anak ni Camille sa kanyang nasirang asawang si Anthony Linsangan  na si Nathan ay 9 years old na habang ang first baby nila ni VJ na si Nala ay nag-one year-old last September.  Si VJ ay may isa ring son, si Isaiah sa una nitong nakarelasyon making Camille a step-mom.

On Christmas day naman ay nag-propose ang 36-year-old actor na si Polo Ravales sa kanyang non-showbiz blogger girlfriend  na si Paulyn Quiza who has a son from a previous relationship.

Ang 22-year-old Ateneo graduate na si Kelsey Merritt ang kauna-unahang Filipina na napasama sa 2018 Victoria’s Secret Fashion event sa America.

Gumawa rin ng ingay ang pagpasok ng U.P. Fighting Maroons sa  University Athletic Association of the Philippines (UAAP) finals (after 32 years) at nakasagupa nila ang Ateneo Blue Eagles kung saan sumuporta ang maraming celebrities na nagmula sa University of the Philippines at Ateneo.

Binigyan naman ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ang kanilang only child na si Juliana Torres Gomez ng kanyang hiling na disco-theme party last September 8 na ginanap sa Bench Tower in BGC in Taguig City na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ni Juliana maging ng kanyang parents.

Maraming taga-industriya, kanyang pamilya at supporters ang natuwa nang makalaya ang actor at dating senador na si Bong Revilla nung December 7 pagkatapos ng mahigit apat na taong pamamalagi sa detention cell ng Camp Crame.  Pero ang pinaka-malaking balita in 2018 ay ang pagkakapanalo ng kinatawan ng Pilipinas na si Catriona Gray sa recently-concluded Miss Universe 2018 na ginanap sa Impact Arena ng Bangkok, Thailand last December 17.

Gumawa naman ng  history sa industriya ng pelikulang Pilipino ang magkasintahan at magka-loveteam na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang umabot sa P900-M ang kinita ng kanilang latest movie under Star Cinema na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina, ang “The Hows of Us” breaking all existing records sa box office na hawak ng singer-actor-comedian and TV host na si Vice Ganda na ang latest record, ang 2017 MMFF movie na “Gandarrappido: The Revenger Squad” ay kumita ng P571-M.