Harassment

November 11, 2018
Precious Lara Quigaman

Precious, bilib sa tapang ng mga nagreklamong Miss Earth candidates

May naging reaksyon si 2005 Miss International Precious Lara Quiga-man-Alcaraz sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon tungkol sa diumano’y sexual harassment na na-experience ng tatlong kandidata sa Miss Earth 2018 na ginanap dito sa Pilipinas.

Ayon kay Miss Guam (Emma Sheedy), Miss Canada (Jaime Vanden Berg) at Miss England (Abbey-Anne Gyles-Brown), hinarass sila ng isa sa naging sponsor ng Miss Earth habang ginaganap ang isang sponsored dinner sa Manila Yacht Club.

“Okey, unang reaksyon siyempre nakakalungkot kasi dito sa bansa natin ginagawa ang Miss Earth, so nakakalungkot na ’yung ibang mga candidates naka-experience ng ganun,” simulang pahayag ni Precious.

Dugtong ng beauty queen turned actress,  “And siguro hindi lang naman sa beauty pageants, I’m sure it happens everywhere else, maraming iba’t iba pang work and places nangyayari ’yang mga ganyang harassment.

“Nakakalungkot and I really don’t know what happened, pero I’m also happy kasi matapang ’yung mga girls to speak out. Kasi minsan, kapag nangyari ’yon, nananahimik na lang sila.

“So, dahil nagsalita si Miss Canada, nagsalita na rin si Miss Guam at si Miss England. In a way, it’s also good kasi nagkakaroon ng boses ’yung mga babaeng nahihiya.”

May na-experience ba siyang ganun o ang ibang co-candidates niya nu’ng sumali siya sa Binibining Pilipinas?

“During my time, wala naman talaga akong na-experience na ganu’n,” lahad niya.

“And also because ’yung mga girls, at nu’ng time ko din, ano ako, eh, tinuruan ako ng lola ko na maging very, very aware sa sorroundings ko, sa mga tao to carry myself well para marunong akong umiwas don sa mga medyo suspicious na characters,” dagdag pa niya.

“Yeah, it’s sad but it’s also good na nakakapagsalita ’yung mga women natin,” reaksyon ulit ni Precious.

Samantala, balik-trabaho na rin si Precious pagkatapos niyang makapanganak sa kanilang second baby ni Marco. Present siya sa storycon/presscon ng pelikulang  Sarah En Cedie na ipoprodyus ng Flying High Productions.

“Ang plano ko talaga is not to work pa for at least mga 3 more months. My baby is only 7 weeks old. So, kasama ko sila, wala akong yaya, wala akong driver,” kuwento ni Precious sa ilang entertainment press during the storycon.

“Ito po actually ang una kong gagawing work after kong manganak. Aside from this, padede mom po ako. Naghahatid-sundo po ako ng isa ko pang anak, so yon po, mommy po talaga,” dagdag pa ng former beauty queen.

Sa Sarah En Cedie ay gagampanan ni Precious ang role bilang ina ng karakter nina Sarah at Cedie.