Harlene mas abala na bilang businesswoman

June 18, 2019

MAY dalawa nang branches ang Salu restaurant na pag-aari ng actress-turned-movie producer na si Harlene Bautista, bunso at kaisa-isang kapatid na babae ni outgoing Quezon City mayor Herbert Bautista at QC councilor na si Hero Bautista.

Ang dalawang branches ng naturang Filipino resto ay matatagpuan sa Sct. Rallos in Quezon City at sa Bonifacio Global City.

Although nami-miss din ni Harlene ang pag-arte, mas hands-on siya ngayon sa kanyang role bilang resturateur/movie producer at ina ng kanyang limang anak at pagiging isang negosyante.

Harlene has a new inspiration sa katauhan ng businessman na si Neil Eugenio na naging member din dati ng now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment” ng yumaong TV host and star builder na si German `Kuya Germs’ Moreno.

Samantala, isa si Harlene sa sobrang nalungkot sa nangyari sa movie icon na si Eddie Garcia na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Ang Heaven’s Best Entertainment ni Harlene ang producer ng award-winning movie na “Rainbow’s Sunset” na dinirek ni Joel Lamangan at pinagbidahan nina Eddie, Tony Mabesa at Gloria Romero na patuloy na umaani ng maraming awards.