Healthy baby, safe delivery wish for Iya Villania 

July 14, 2020
Iya Villania

MAY surprise video ang 24 Oras family niya para kay Iya Villania para sa nalalapit na  pagdating ng baby no. 3 nila ng asawang si Drew Arellano. Kasama rito ang mga kasamahan niya sa trabaho, kaibigan, at pamilya. 

Anang Mars Pa More co-host niya na si Camille Prats, “Almost every episode, imposibleng wala siyang (Iya) masasabi na hindi nakakatawa. Kailangan mo namang maranasan kung ano ‘yung dynamics ng may anak na babae kasi sobrang galing mong mag-alaga ng boys.”

Kasama rin sa nagbigay ng messages sina Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo, Suzy Abrera at asawang si Paolo Abrera, pati na rin syempre ang asawang si Drew kasama ang kanilang cute na mga anak na sina Primo at Leon. “We just want to let you know that we love you so much and we can’t wait for the third baby. We’re rooting for you and have a safe delivery,” sabi ni Drew.

Safe delivery rin at ang kalusugan ng baby nila ang hiling ni Iya. “I’m feeling it’s another boy. May konting takot with the whole COVID thing that’s been happening. I’m just praying for a safe delivery and a healthy baby and to recover right away para balik-trabaho kaagad!”

Samantala, abangan naman ang masayang chikahan at kumustahan ng Kapuso moms na sina Iya, Camille, at Solenn Heussaff sa bago at special episodes ng Mars Pa More para sa kanilang anniversary week simula July 27, 8:50AM, sa GMA Network.