Home>Entertainment>Showbiz>Heart at Angel dapat nang gumaya kay Willie?

Heart at Angel dapat nang gumaya kay Willie?

Heart Evangelista
Heart Evangelista

SALA sa init, sala sa lamig.

Ito ang sitwasyon ng mga local celebrity na aktibong tumutulong sa mga biktima ng pandemya at kalamidad. Madalas na ma-bash sila dahil sa diumano’y publicity stunt sa kanilang ginagawang pagtulong. Na dapat daw ay ‘di na nila kailangan ipangalandakan pa ito.

Ito rin ang pananaw ni Heart Evangelista na tumutulong pero ‘di ibinabahagi ang ginagawang pagtulong. Kaya madalas siyang ma-bash na ‘di raw tumutulong. Isa rin si Angel Locsin sa mga celebrity na aktibo sa ginagawang humanitarian help ngunit ‘di ipinangangalandakan. Pero kahit anong pagsisikreto ang gawin niya, hindi pa rin ito nakakatakas sa public view. Ang masaklap, pinagbibintangan pa siyang isang leftist daw.

Kailangan bang ilihim ng mga celebrity ang ginagawang humanitarian help? O dapat i-publicize pa ito para maka-inspire sa pagtulong ang kanilang fans at supporters tulad ng ginagawa ni Willie Revillame? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal