Heart ayaw mag-endoroso ng 'di pinaniniwalaan

June 23, 2019
Heart Evangelista

THIRTY-four-year-old Heart Evangelista remains as one of the most in demand product endorsers hanggang sa kasalukuyan na kanyang sinimulan when she was 13 years old.

Kamakailan lamang ay ni-launch si Heart ng Brady Pharma, Inc., manufacturer and distributor ng Thiocell, ang kauna-unahan at nag-iisang premium oral gluthathione supplement in lozenges form.  The product is clinically proven sa pagre-reduce ng pigmentation at pagiging maganda ng skin sa loob lamang ng dalawang linggong continuous na pag-take nito.  At ito’y personal na pinatotohanan ni Heart na gumagamit na ng produkto bago pa man siya kinuhang brand ambassador ng Thiocell.

“I only endorse products that I believe in,” diin pa ng misis ng incoming Sorsogon governor na si Chiz Escudero.

Heart is not only a popular celebrity endorser, she’s wearing several hats at kasama na rito ang kanyang pagiging devoted wife ng outgoing (popular) senator na si Chiz.  Nariyan pa ang kanyang pagiging singer-actress ng Kapuso Network kung saan siya ngayon tumatayong isa sa tatlong council (judges) ng ika-7 season ng reality talent search na “Startruck” hosted by Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado at kung saan naman niya kasama sina Cherie Gil at Jose Manalo bilang mga hurado.  Sa kabila ng kanyang busy schedule, naisisingit din niya ang kanyang pagpipinta laluna sa mga luxury bags at iba pa.  She’s also currently shooting her first international film in China with her playing the lead role.  Ganunpaman, bina-balanse ni Heart ang kanyang role bilang wife, step-mom to twins Chesi and Quino, ang kanyang pagiging singer-actress, celebrity endorser, painter at iba pa.

Despite her busy schedule, she makes time to visit Sorsogon (ang hometown ng kanyang husband) at least twice a week  kung saan uupong gobernador  si Chiz.

“Time management lang naman ang kailangan,” sambit ni Heart.

Although nagka-miscarriage si Heart nung isang taon  ng first twins sana nila ni Chiz, naniniwala siya na muli silang mabibiyaan ng sarili nilang anak ng kanyang mister.