Heart ayaw magbigay ng detalye sa international movie

May 30, 2019
Heart Evangelista

BALIK-China si Heart Evangelista para sa shooting ng isang international action flick.

Ayaw niyang magbigay ng mas mahabang detalye tungkol sa naturang project pero halos limang buwan na siyang pabalik-balik sa China para magtrabaho. Kaagad din niyang itinanggi na ang ginagawang pelikula ay sequel sa "Crazy Rich Asians" na sinulat ng kaibigan niyang si Kevin Kwan.

Makikita sa Instagram account niya ang isang litrato ng actor’s chair na may pangalan niya na may caption:

“Back in China to shoot! I'm missing my family terribly, but I'm so thankful to be here.”

Sa darating na Hulyo, siya na ang First Lady ng Sorsogon kung saan nanalong gobernador ang mister na si Francis 'Chiz' Escudero at malamang na tapos na rin ang shooting ng kanyang international movie at ibang personal role naman ang kanyang haharapin.