Heart: Bash me more, God’s gonna bless me more

November 21, 2018
Heart Evangelista

Isa si Heart Evangelista sa mga celebrity na hindi nakakaligtas sa mga basher. Pero ayon sa Kapuso actress, ngayon, hindi na siya naaapektuhan at sobrang okay lang sa kanya na i-bash siya.

“You know before, siguro mga two-three years ago, iniiyakan ko ang mga basher,” ani Heart nang makausap namin sa press launch ng LM (Love Marie) for Kamiseta last Tuesday. 

“But you know what? Honestly, it’s tanggal-malas. Bash me more, God’s gonna bless me more.

“So, you know what? I’m actually okay that they bash me because there’s always instantly something good that will happen. As long as alam mong wala kang ginagawa (na masama), pero kung may ginagawa ka, walang darating na blessing. 

“But ibig kong sabihin, if your heart is really good, I mean, pure, when it comes to all of that negativity, ibabalik talaga sa ’yo ni Lord. 

“So, you know what? It’s okay.” 

Pero siyempre, may time raw na talagang sumusobra na ang mga basher. 

“Nu’ng time na I was pregnant and I would get messages na ‘sana pag-ihi mo, sumama ’yung anak mo’, ’yun, medyo, ‘oh, wow.’ 

“So, if there’s anything that I learned from that, the next time I’m pregnant, nanganak na ako, doon ko na lang sasabihin,” sey ni Heart na natatawa. 

“But other than that, it’s okay, kasi may kapalit ’yun, eh,” dagdag pa niya. 

Tulad ngayon, sunud-sunod ang magagandang pangyayari sa buhay ni Heart pagkatapos ng dagok na dumating when she lost her twins. 

Heart has totally moved on from the miscarriage at aniya, happy na siya uli.