Heart daig pa ang nanalong best actress

December 03, 2019
Heart Evangelista

DAIG pa ng Kapuso singer-actress na si Heart Evangelista ang nanalo ng international Best Actress trophy sa kanyang pagkakasama sa Vogue 100 list dahil ito’y kinabibilangan ng 100 fashionable women sa buong mundo na may mga namumukod na  katangian sa larangan na kanilang ginagalawan.

Bukod sa pagiging fashionable singer-actress, ang misis ni Sorsogon governor Chiz Escudero ay isa ring mahusay na painter-designer at aktibo sa PAWS o The Philippine Animal Welfare Society na pumu-protekta at nagri-rescue ng mga asong gala.

Kamakailan lamang ay kasama si Heart sa nagbigay ng sorpresa sa isang taong gala na nagngangalang `Kuya Jun’ ang nabiyayaan ng bahay ng PAWSsion project dahil sa kabila na wala itong permanenteng tirahan ay nag-aalaga ito ng mga stray dogs.

Samantala, naghihintay naman ang supporters ni Heart ng bago nitong TV assignment sa GMA.  Huli itong napanood bilang isa sa tatlong council or judges sa nagtapos na bagong season ng talent reality search na Starstruck: Season 7 (2019) ng Kapuso Network.