Heart Evangelista, muling ibibida ang artworks at mga produkto ng Sorsogon

July 11, 2020
Heart Evangelista
Heart Evangelista

BUKOD sa mga damit, bags, at gadgets tulad ng powerbank, makikita na rin ngayon ang artwork ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa wearable air purifiers.

Ibinalita ito ni Heart sa kanyang Instagram account kalakip ang kanyang larawan na suot ang personal air purifier na mabibili online.

"Introducing you all to our Love Marie Air Purifier, featuring my paintings of course! Check out @essentialsmnl__ to get your own!," aniya.

Isa rin sa mga pinagkakaabalan niya ngayon ay ang kanyang upcoming home décor line, ang Maison Love Marie, kung saan ibibida ni Heart ang handcrafted products mula sa Sorsogon.