Heart first lady na ng Sorsogon

May 15, 2019
Heart Evangelista and Chiz Escudero
Heart Evangelista and Chiz Escudero

MATAPOS maging misis ng isang senador, ang pagiging First Lady ng Sorsogon naman ang magiging bagong papel ng Kapuso star na si Heart Evangelista.

Ito ay matapos ma-deklarang bagong halal na gobernador ng Sorsogon ang kanyang mister, ang outgoing senator na si Chiz Escudero.  Since magbi-base na Sorsogon  si Sen. Chiz, magiging madalas din ang pagpunta ni Heart sa hometown ng kanyang mister.

Samantala, matapos magkaroon ng miscarriage ang singer-actress-painter at celebrity endorser na si Heart nung isang taon, umaasa pa rin siya at ang kanyang mister na mabibiyaan sila ng sariling anak. Si Sen. Chiz ay may twins sa kanyang ex-wife na si Christine `Tintin’ Flores na sina Ma. Cecilia at Joaquin Escudero.