Heart, halos isang taon trinabaho ang bag design ng French label

January 21, 2019
Heart Evangelista

KASISIMULA pa lang ng taong 2019, umaarangkada na sa dami ng ganap si Heart Evangelista.

Una, napabalita nang kaya siya nagtungo sa China ay para sa shooting ng sequel, China Rich Girlfriend, ng Crazy Rich Asians, na base sa libro ng kaibigan niyang author na si Kevin Kwan.

Sunud-sunod din ang endorsements niya dito at sa abroad, gaya ng Kamiseta at Sequoia Paris.

Sa mga pinakahuling Instagram posts ng Kapuso actress, sinabi niya na dalawang bag launches ang mangyayari ngayong taon.

IG caption ni Heart, “My love for bags is no secret (I mean, I am going to have two bag launches this year -- one for @sequoiaparis and one for my own line).

“So today (Sunday), I’m going to give you lovelies a closer look into my collection!

“On my YouTube channel, I’ll show you my top 5 favorite bags for work. These are the ones that I always reach out for whenever I have a busy day of shoots, tapings or events ahead!

“I hope you guys learn a thing or two about choosing your perfect work bag.”

Sa hiwalay at mas nauna namang IG post, sinabi ng misis ni Senator Chiz Escudero na halos isang taon niya trinabaho ang bag designs para sa nasabing French label na iniendorso.

Patuloy niya, “I’ve been wearing their beautiful handbags for quite some time, so when they approached me for this collaboration, I was overjoyed!

“This handbag was designed and made with so much love from me, so I can’t wait for you to get your hands on them.”

Pinasalamatan niya ang Sequoia Paris family niya “for making this happen. It was such a pleasure working with such a talented team.”