Home>Entertainment>Showbiz>Heart inamin na may insecurities pa rin

Heart inamin na may insecurities pa rin

Heart Evangelista
Heart Evangelista

INAMIN ni Heart Evangelista na tulad din ng marami, mayroon din siyang insecurities. Sa Facebook live niya recently na “Love Yourself Live! How Self-Love Can Save You,” ikinuwento ng Kapuso actress na naging people-pleaser siya dahil sa mga ito. Aniya, “When I was young, I would have so much insecurities. You know, I was such a people pleaser. I mean, I still am because I want to make people happy, but I make sure to make time to make myself happy.”

Pagpapatuloy ni Heart, “We all have problems. We all have our crosses to carry. So many people to take care of, ‘yung family, ‘yung friends, and everybody that relies on you. But it really makes such a huge difference. You just pause and you take time for yourself, and you’ll be surprised (of the) many other beautiful things you could do for other people when you put yourself first and when you love yourself.”

Nang matanong kung ano ang ‘happiness’ para sa kanya, ito raw ay ang acceptance sa anumang bagay na dumating sa buhay, “You just have to accept the things you cannot change, the things that are really frustrating, and you just have to go with the flow. There are so many problems. Sometimes, you feel that it’s never-ending. But, honestly, this too shall pass. Sometimes things frustrate you, again, you just have to accept that it is what it is. But there are other things you could do to make you happy. You can take another route, ‘di ba? Some things will just end up to be perfectly the way it is for you. So, that’s just how it is.”

Back to work in Manila si Heart, pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi sa Sorsogon kung saan governor ang mister na si Chiz Escudero. In her Instagram account, she proudly promotes Sorsogon’s local products and talents.

Tom paano napananatili ang spark sa relasyon nila ni Carla?

Tom Rodriguez
Tom Rodriguez

PARA kay Tom Rodriguez, mahalaga na kilalaning mabuti ang partner para mapanatili ang “spark” sa isang relasyon. Aniya, “Siguro huwag tayo magiging kampante o masyadong pamilyar sa mga katuwang natin sa buhay. Lagi nating tandaan kung bakit ba natin sila minahal. Mas lalo pa natin silang kilalanin at mas lalo pa natin silang pahalagahan.”

Dagdag ni Tom, importante rin ang komunikasyon, “Kailangan talaga ang komunikasyon at ‘yung mga panibagong paraan para makilala pa lalo ang isa’t isa at mapanatili ang spark o apoy na ‘yon.” Kaya naman, halatang kilalang-kilala na niya ang girlfriend na si Carla Abellana. It looks like they were really made for each other. Kahit hindi pa ikinakasal, heard that both are now building a house of their own.

Samantala, napapanood si Tom sa “I Can See You: High-Rise Lovers” tuwing 9:15 p.m.hanggang October 16 sa GMA Telebabad.

Walang bida, walang kontrabida

Tom Rodriguez
Tom Rodriguez, Lovi Poe, Winwyn Marquez

MASAYA at fulfilling kung ilarawan ng cast ng ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez ang kanilang naganap na lock-in taping.

Bagamat nanibago sa pagbabalik-trabaho at sa new normal taping, masaya raw ang cast ng serye dahil nakatapos sila ng isang magandang proyekto.

“The sense of fulfillment after ng buong taping, talagang you just can’t beat that feeling everytime nakatapos ka ng proyekto,” ani Lovi.

Dagdag pa ni Winwyn, “Ang sarap sa pakiramdam na I’m in front of the camera again and working with these actors and alam kong may ipapalabas kami na sobrang worth it panoorin.”

Sang-ayon din si Tom sa sinabi ng kanilang direktor na si Direk Monti Parungao na kakaiba ang atake at twist sa kanilang show at wala ring kontrabida na maituturing, “Everyone is a victim of circumstance na you could almost kind of see and feel or emphatize kung paano sila nadadala sa mga sitwasyon na ‘yon.”

Kasama rin nila sa cast ang actor-comedian na si Divine Tetay at aktres na si Teresa Loyzaga. Mapapanood ang ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ mula October 12 hanggang October 16, sa GMA Telebabad.

Gabby inihahanda nang mawalay sa mga anak para sa lock-in taping

Gabby Eigenmann
Gabby Eigenmann

TODO-handa na ang batikang aktor na si Gabby Eigenmann para sa nalalapit na lock-in taping ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit.’

Bukod daw sa pag-eehersisyo, kinailangan din daw ni Gabby na muling patubuin ang kanyang balbas para sa karakter ni Arthur Zulueta, ang boss ng karakter ni Mylene Dizon na si Nolie.

Inihahanda na rin daw ni Gabby ang kanyang sarili emotionally dahil matagal-tagal din siyang mawawalay sa kanyang pamilya para sa lock-in taping, “Emotionally, I have to prepare myself also kasi nga, matagal akong mawawala sa bahay so mami-miss ko ang kasama ko rito.”

Pagku-kuwento pa ni Gabby, expected na rin naman daw ng kanyang apat na anak na darating ang panahon na kailangan niyang bumalik sa pagte-taping, “Ready naman sila in a way pero physically, dahil wala nga ako, sana masanay sila nang kaunti kasi buong six months, magkakasama kami.”