Heart ipapalit kay Regine

November 23, 2018
Heart Evangelista
Heart Evangelista

AYON sa singer-actress-painter, fashion icon and vlogger na si Heart Evangelista, sobra umano siyang na-depress nang siya’y magka-miscarriage (ng twins) na magiging unang mga supling sana nila ng kanyang husband of more than three years na si Sen. Chiz Escudero. Pero unti-unti niya itong na-overcome by looking at things positively.  Naniniwala ang 33-year-old Kapuso actress na may dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang mga bagay na hindi natin inaasahan dahil may iba Siyang plano para sa atin.

Heart makes herself busy with so many things at kasama na rito ang kanyang pagpipinta para sa isang kilalang clothing line at pagiging in-demand celebrity endorser.  Although nung nakarang January 12, 2018 pa nagtapos ang kanyang huling teleserye, ang “My Korean Jagiya”  sa bakuran ng Kapuso Network kung saan niya nakapareha ang Korean singer-actor na si Alexander Lee, mid next year na niya planong gumawa ng bagong TV projects sa kanyang home studio, ang GMA dahil magiging busy rin siya para sa kampanya ng kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero na tatakbo sa pagka-gobernador ng Sorsogon sa darating na mid-term elections in May 2019.

Although hindi pa inihahayag ni Heart ang kanyang bagong hosting job para sa GMA, marami ang humuhula na baka siya ang ipalit sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez (na isa na ngayong Kapamilya) bilang host ng  singing competition na “The Clash” na magkakaroon umano ng panibagong season next year.

Samantala, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Heart na magkakaroon pa rin sila ng baby ng kanyang mister na si Sen. Chiz at sana’y mangyari ito soon kung kelan handa na siyang maging isang ina. Heart is stepmother to Sen. Chiz’ twins sa una nitong marriage (kay Christine Flores) na sina Joaquin at Ma. Cecilia.