Home>Entertainment>Showbiz>Heart may bagong set ng tablets na ipamimigay

Heart may bagong set ng tablets na ipamimigay

Heart Evangelista
Heart Evangelista

PATULOY sa pagtulong ang actress-painter-and Sorsogon first lady na si Heart Evangelista sa mga estudyanteng nangangailangan. In fact, muling mamimigay ng mga tablet ang aktres para sa pagsisimula ng online classes.

Inanunsyo ito ni Heart sa kanyang Instagram story, “2nd batch soon. Follow me and PH Big Heart for updates.”

Daan-daang mga bata na apektado ng COVID-19 pandemic ang naabutan na ni Heart ng tulong para sa kanilang distance learning simula pa noong Hulyo.

Bukod dito, patuloy pa rin niyang pino-promote ang local products ng Sorsogon. Makikita ito sa kanyang Instagram account at talaga namang nakamamangha ang ganda ng mga ito.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal