Heart nagiging regular fixture sa Paris at NY fashion scene

October 02, 2019
Heart Evangelista
Heart Evangelista

NAGIGING regular figure sa Paris and New York Fashion week ang singer-actress-painter-celebrity endorser  na si Heart Evangelista.

At 34, consistent sa pagiging fashion plate ang misis ng dating senador at ngayon ay governor ng Sorsogon na si Gov. Chiz Escudero at mga kilalang personalidad sa international fashion world, showbiz  at businessmen ang kanyang mga nakakahalu-bilo at nagiging kaibigan.

Sa recent fashion week in Paris (September 23 – October 1, 2019), nakatabi ng upuan ni Heart ang Korean superstar na si Jessica Jung, dating member ng K-Pop all girls group na Girls’ Generation sa fashion show ng Hermes.  Nung isang taon ay naging seat-mate naman niya ang sister ni Jessica na si Krystal Jung sa fashion show ng Ferragamo.  Nakilala rin ni Heart ang Hollywood actress na si Kate Bosworth, ang Canadian actress na si Eliza Sam, ang French shoe designer na si Christian Louboutin, ang American designer na si Kenneth Cole at iba pang mga kilalang personalidad sa buong mundo.

Dahil ginagawa na lamang Quiapo ni Heart ang Paris, marami na rin siyang mga Parisian friends at mga kaibigang Filipino na naka-base sa Paris, France.

Sa kabila ng pagsusuot at paggamit ni Heart ng mga kilala at mamahaling  branded items, dinadala naman niya sa Paris ang kanyang pagiging Filipina at pagtuturo ng Filipino culture sa mga nagiging kaibigan niya roon.

In her recent visit sa Paris, itinuro niya sa kanyang Parisian friends ang paghahanda ng Filipino foods at pagkain gamit ang kamay at nag-enjoy ang mga ito.

Bukod sa Paris Fashion Week, madalas ding dumalo si Heart sa New York Fashon Week.

Katatapos lamang ni Heart maging isa sa mga council or hurado ng 7th season ng talent reality show, ang “Starstruck”.

Kapag libre siya sa kanyang showbiz commitments ay nakatutok naman si Heart sa kanyang other passion, ang pagpipinta na nagagamit niya in collaboration with a well-known brand in Paris.  But inspite all these, hindi rin siya nawawalan ng oras sa kanyang husband and stepchildren at pagiging First Lady ng Sorsogon.
    
Nagpapasalamat din si Heart sa pagiging supportive sa kanya ng mister na si Chiz.

Samantala, in God’s perfect time, patuloy pa ring umaasa si Heart na magkakaroon pa rin sila ng sariling baby ni Chiz.  Nung isang taon ay nagkaroon ng miscarriage si Heart sa magiging unang supling na sana nila ng kanyang mister na twins.